• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Grade 11 student sa Cavite, naglalako ng taho habang papasok sa paaralan, recess time

Richard de Leon by Richard de Leon
September 24, 2022
in Balita, Features
0
Grade 11 student sa Cavite, naglalako ng taho habang papasok sa paaralan, recess time

Gurprit Paris D. Singh (Screengrab mula sa FB ni Jhap Tarog)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naantig ang damdamin ng mga netizen sa viral video ng isang binatilyong lalaki sa Tanza, Cavite, na naglalakad-lakad habang nakasuot ng uniporme sa paaralan at may pasan-pasang stainless na balde, na kinalalagyan ng kaniyang panindang taho upang maglako.

Batay sa Facebook post ng netizen na kumuha ng video sa kaniya na si “Jhap Tarog” noong Setyembre 15, nabagbag ang kaniyang puso nang makita si Gopi o Gurprit Paris D. Singh, 16 anyos, nang makasalubong niya ito sa kalsada. Napag-alaman niyang papasok ito sa paaralan nang mga sandaling iyon.

“Sobrang nakakahanga ang bata na ‘to,” ani Tarog.

“Pinagsasabay ang pagtitinda at pag-aaral. Laban lang sa buhay, darating din ang araw na magtatagumpay ka sa buhay.”

“Ito yung dapat tinutularan na kabataan,” aniya.

Batay sa kaniyang hitsura at apelyido, ang ama ni Gopi ay isang Indiano, at ang kaniyang ina naman ay Pilipina. Isinilang umano siya sa Cebu City subalit lumipat sila sa Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, maagang gumigising araw-araw si Gopi upang ihanda ang paninda niyang taho, katuwang ng kaniyang nanay, na siya namang nagluluto ng arnibal at sago na inilalahok sa panindang taho.

Kapag papasok siya sa paaralan sa pamamagitan ng paglalakad ay naglalako siya. Kapag nasa paaralan na siya, pinakikiusapan niya ang sekyu na bantayan muna ang kaniyang stainless balde. Kapag recess o pananghalian, naglalako naman siya ng mga paninda sa kaniyang mga kaeskuwela upang maubos ito.

Sa isang araw ay kumikita si Gopi ng 400 hanggang 600 piso, na malaki ang naitutulong sa kaniyang pag-aaral.

Balang-araw, nais maging Civil Engineer ni Gopi kaya hindi niya ikinahihiya ang kaniyang pagtitinda. Naniniwala rin ang Grade 11 student na lahat ng problema ay may solusyon, kagaya ng Mathematics.

“Life is like math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me,” aniya.

Tags: Gurprit Paris D. SinghJhap Tarogtahoworking student
Previous Post

Magat Dam, magpapakawala ng tubig: 9 bayan sa Isabela, Ifugao babahain

Next Post

Kahit binabatikos: Kiefer Ravena, maglalaro pa rin sa Gilas Pilipinas

Next Post
Kahit binabatikos: Kiefer Ravena, maglalaro pa rin sa Gilas Pilipinas

Kahit binabatikos: Kiefer Ravena, maglalaro pa rin sa Gilas Pilipinas

Broom Broom Balita

  • Naitalang aftershocks bunsod ng magnitude 6 na lindol sa Davao de Oro, umabot na sa 871
  • Netizen, hinahanap ang may-ari ng napulot na ₱120 na may kasamang sulat ng isang ina
  • 4.8M turista, dadagsa sa Pilipinas — DOT
  • Vin Abrenica sa asawa’t anak: ‘You both bring so much love and happiness into my life’
  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.