• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Latest version ng OPM classic ‘Pagbigyang Muli’ ni Jonathan Manalo, ibinirit ni Morissette Amon

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 23, 2022
in Balita, Music, Showbiz atbp.
0
Latest version ng OPM classic ‘Pagbigyang Muli’ ni Jonathan Manalo, ibinirit ni Morissette Amon

Morissette Amon (kaliwa/Instagram); Jonathan Manalo (kanan/Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Si Asia’s Phoenix Morissette Amon ang pinakabagong nagbigay-buhay sa 2004 hit ni Erik Santos sa kantang isinulat ng award-winning songwriter at record producer na si Jonathan Manalo.

Nitong Biyernes, Setyembre 23, napakinggan na ang limang kantang tampok sa “The Music of Jonathan Manalo: 20 Years,” higit tatlong linggo bago ang 20th anniversary concert ng music genius sa Newport Performing Arts Theater.

Kabilang sa anniversary tracks ang kantang “’Di Ko Kayang Limutin,” sa interpretasyon ni  R&B Queen Kyla, “How Can I” ni “Soul Siren” Nina, “Always on Time” ni “Fearless Diva” Jona, at bagong version ng kantang “Patuloy ang Pangarap” ni Gigi De Lana.

Bagong tunog ng original Pinoy music (OPM) hugot classic na “Pagbigyang Muli” na orihinal na kinanta ni “Star In A Million” champion na si Erik, ang tampok din sa mga special release.

Sa pinakabagong interpretasyon nito, si Morissette ang napili ni Jonathan na magbigay bagong kulay sa kanta.

Agad na tumabo sa Alternative Genre chart sa iTune Philippines ang bagong version ilang oras lang matapos ang release.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat naman ang Pinay diva sa Creative Director ng ABS-CBN Music.

“The latest and my version of ‘Pagbigyang Muli’ from ‘THE MUSIC OF JONATHAN MANALO: 20 Years’ is out now!!! thank you po Kuya @jonathanmanalo for making me a part of your milestone project, and trusting me with one of your most challenging songs at may mga bagong bali pa haha 🌼 #JM20 #JonathanManalo,” mababasa sa IG post ni Morissette, Miyerkules.

View this post on Instagram

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

Si Morissette ay isa lang sa marami nang OPM artists na nagbigay-buhay sa sikat na kanta.

Nauna nang napakinggan ang duet version ng kanta tampok si Erik at Asia’s Songbird Regine Velasquez noong 2018 at kamakailang version ni Darren Espanto para sa musical series na “Lyric and Beat.”

Tags: Erik SantosGigi De LanaJona VirayJonathan ManalokylaMorissette Amonnina
Previous Post

Trans senior high student sa Tacloban, pinayagang magsuot ng uniporme base sa kaniyang SOGIE

Next Post

‘Karding’ napanatili ang lakas habang papalapit sa N. Luzon

Next Post
‘Karding’ napanatili ang lakas habang papalapit sa N. Luzon

'Karding' napanatili ang lakas habang papalapit sa N. Luzon

Broom Broom Balita

  • Jackpot prize ng Grand, Mega Lotto nitong Miyerkules ng gabi, naging mailap pa rin
  • Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng ‘Mga Lihim ni Urduja’
  • Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’
  • Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie
  • NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.