• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Johnrey Rivas, nag-react sa episode 1 ng ‘Kalimutan Mo Kaya’ ni Sen. Imee Marcos

Richard de Leon by Richard de Leon
September 22, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Johnrey Rivas, nag-react sa episode 1 ng ‘Kalimutan Mo Kaya’ ni Sen. Imee Marcos

Johnrey Rivas at Se. Imee Marcos (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbigay ng reaksiyon ang isa sa cast members at nagwaging “Best Supporting Actor” ng pelikulang “Katips” sa 70th FAMAS na si Johnrey Rivas, sa unang episode ng “Kalimutan Mo Kaya” ng Vincentiments, tampok si Senadora Imee Marcos, na inilabas at umere nitong Setyembre 21, 2022, kasabay ng ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

Pinalagan ni Rivas ang isa sa mga naging pahayag ni Marcos hinggil sa pagmo-move on.

Sa episode 1, nagbigay ng payo si “Manang Imee” sa isang misis na nahuling may “kabit” ang kaniyang mister.

“Nakakapangit ang galit. Tingnan mo napahamak ka pa. Nandamay ka pa ng wala namang kasalanan sa ‘yo. Ganoon kasi kapag puro nakaraan, nawawalan ka ng kinabukasan… hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move on, o ang pagpapalaya… Hindi rin madali ang makalimot pero sabi nga mas mabilis gumaling ang sugat kapag hindi kinakalikot,” ani senadora.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/21/love-guru-marcos-sa-pinakabagong-online-serye-saka-ka-na-magpatawad-pag-handa-ka-na/

Reaksiyon naman ni Rivas, “Ang paglimot sa kasaysayan ay hinding-hindi mo maihahalintulad sa isang Relasyon. Kailanman dapat maging aral ito para ang mga masasamang naganap sa kasaysayan ay hindi na maulit pa. Hindi uunlad ang nasyon kung hindi tayo matututo sa mga nakalipas na panahon.”

“Wag n’yo po kaming daanin sa mga sanaysay at argumento na halatang ginawa lamang para baliktarin ang kasaysayan. Tama na, Sawa na, Sobra na. Paano na ang Pilipinas kung sa kamay lang ng mga Pilipinong namumuno na katulad n’yo mapupunta.”

“Sabi nga ni Sr.Claire ng Katips: ‘NAKAKAHIYA NANG MAGING PILIPINO, HANGGA’T MAY MGA PILIPINO NA KAGAYA NINYO,” aniya.

Matatandaang nagbigay rin si Rivas ng kaniyang mensahe para sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

Ang pelikulang “Katips” ni Atty. Vince Tañada, na ang tema ay pagpapakita ng mga biktima umano ng Martial Law, ay katapat ng pelikulang “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap, ukol naman sa mga kuwento sa likod ng mga pangyayari sa pamilya Marcos, dalawang araw bago ang EDSA People Power I.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/21/katips-best-supporting-actor-johnrey-rivas-may-mensahe-patungkol-sa-anibersaryo-ng-martial-law/

Tags: Johnrey RivasKalimutan Mo Kayamartial lawSen. Imee Marcos
Previous Post

Alessandra De Rossi, suportado si Kat Alano hinggil sa ‘hustisya’ matapos ang 17 taon

Next Post

Rajo Laurel, binakbakan ng netizens dahil sa kritisismo kay Eva La Queen ng Drag Race PH

Next Post
Rajo Laurel, binakbakan ng netizens dahil sa kritisismo kay Eva La Queen ng Drag Race PH

Rajo Laurel, binakbakan ng netizens dahil sa kritisismo kay Eva La Queen ng Drag Race PH

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.