• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Chel Diokno kay Imee Marcos: ‘Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 24, 2022
in Balita, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Chel Diokno kay Imee Marcos: ‘Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba’

Photos courtesy: Chel Diokno (Facebook); Imee Marcos (VinCentiments/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila may patutsada si Atty. Chel Diokno sa naging pahayag ni Senador Imee Marcos sa unang episode ng seryeng “Kalimutan Mo Kaya” ng VinCentiments na inilabas noong Miyerkules, Setyembre 21, ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.

“Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba. Nakakapangit ng inyong paghuhugas-kamay. Tingnan mo, nakapahamak ka na,” tweet ni Diokno nitong Huwebes, Setyembre 22, kasama ang isang quote card ni Marcos.

“Tama, hindi madaling makalimot. Pero madali namang magbayad ng tamang buwis at magpakita ng katiting na pagsisisi. Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot,” dagdag pa nito.

Hindi mo ikamamatay ang pagpapakumbaba.

Nakakapangit ng inyong paghuhugas-kamay. Tingnan mo, nakapahamak ka na. 😂✌️

Tama, hindi madaling makalimot. Pero madali namang magbayad ng tamang buwis at magpakita ng katiting na pagsisisi. Mas mabilis gumaling ang sugat pag ginagamot. pic.twitter.com/nrchriuHU2

— Chel Diokno (@ChelDiokno) September 22, 2022

Sa unang episode ng  “Kalimutan Mo Kaya,”nagsilbing host at love guru ang senador sa isang sender na may kinahaharap na problema sa karelasyon.

Bago nito, ang bungad ng senador, “Tama na sa galit. Sobra na. Sobrang sakit na sa lahat. #JustForget. Just forget the hate and revenge. Love and forgive.”

Dito sunod na binasa ng senador ang liham ng sender na humihingi rin ng payo matapos mabiktima ng nagtataksil na karelasyon.

“Simple lang. Kalimutan mo kaya. Hiwalayan mo. Kahit mahirap! Gaya ng sabi mo, sapat ang ganda mo! ‘E di magpaganda ka pa. Nakakapangit ang galit!” saad na payo agad ng mambabatas.

“Tignan mo, napahamak ka pa.  Nandamay ka pa ng wala namang kasalanan sayo. Ganun kasi kapag puro nakaraan, nawawalan ka ng kinabukasan,” dagdag nito.

“Sa love, ang pain hindi mo maiiwasan pero yung pagdurusa choice mo ‘yan. Makipaghiwalay ka kahit mahal mo pa. Mahirap pero kaya. Hindi mo ikamamatay ang pagsuko, ang pag-move-on o ang pagpapalaya.”

“Saka ka na magpatawad ‘pag handa ka na. Hindi rin madali ang makalimot pero sabi nga mas mabilis gumaling ang sugat kapag hindi kinakalikot.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/21/love-guru-marcos-sa-pinakabagong-online-serye-saka-ka-na-magpatawad-pag-handa-ka-na/

Samantala, bago ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa, may storytime si Diokno tungkol sa karanasan nila sa ilalim ng Martial Law noong 1972.

“Storytime mga anak. Siguro alam n’yo na ngayon na ‘yung nangyari doon sa dad ko [noong] September 23, 1972. Inaresto siya na walang kasong kriminal laban sa kanya, walang warrant of arrest. Talagang bumaliktad ‘yung mundo namin noon,” panimula ni Diokno.

“We have to even suffer in the indignity of having to be strip naked tuwing dumadalaw kami sa dad ko so talagang hindi makatao at hindi makatarungan ‘yung experience namin noong Batas Militar,” dagdag pa niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/20/chel-diokno-may-storytime-ukol-sa-martial-law-hindi-makatarungan-yung-experience-namin-noon/

Tags: Atty. Chel DioknoSen. Imee Marcos
Previous Post

Kilalang fast food chain, may job openings na rin para sa senior citizens sa Maynila

Next Post

DOH: Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ni PBBM, ibinaba sa 30%

Next Post
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

DOH: Target na mabakunahan ng booster shot sa unang 100 araw ni PBBM, ibinaba sa 30%

Broom Broom Balita

  • Effort ni Andrea natalbugan ang gf proposal ni Ricci, naging ‘Best at Most Creative Promposal’ sa Star Magical Prom
  • Ogie Diaz, sinupalpal ang ‘pag-uugali’ ng ina ni Jake Zyrus: ‘Ang problema, may sinasagasaan kang tao’
  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.