• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Panuorin: Biology teacher sa Davao City, viral sa kaniyang cover ng isang trending na kanta

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 21, 2022
in Balita, Features
0
Panuorin: Biology teacher sa Davao City, viral sa kaniyang cover ng isang trending na kanta

Screengrab mula sa viral video ni Kirstin Fordelon/Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinangaan at pinusuan ng libu-libong netizens ang ngayo’y viral video ng isang estudyante sa Davao City kung saan mapapanuod ang kanilang teacher na swabeng kumakanta ng sikat na “Babalik Sa’yo” ni Moira Dela Torre.

Ayon sa uploader na si Kirstin Fordelon, si Teacher Chrisel Joy Dela Cruz ang nasa video, isang General Biology teacher ng Davao National High School sa Davao City.

“Kakatapos lang namin lahat sa performance task namin by group tapos energetic and happy kaming lahat kasi perfect yung all groups tapos may group na nagdala ng guitar and sakto rin kasi homeroom time na ‘yun nag-pasample kami sa adviser namin nag request kami nyan na song,” saad ng Grade 12 STEM student sa panayam ng Balita Online.

Dagdag ni Kirstin, unang beses nilang marinig na kumanta ni Teacher Chrisel kaya naman laking-mangha ang buong klase dahilan para magsipag-kuha rin sila ng video.

“Pinost ko pag-uwi ko ‘yung video dito sa dump account ko tapos na-shock na lang ako ‘pag log in ko ulit dami ng views,” ani Kirstin.

Libu-libong netizens ang humanga at pinusuan ang tagpo kung saan gamit pa ni Teacher Chrisel ang kaniyang lapel habang malamig na kinakanta ang trending song ni Moira.

Hindi naman kataka-kataka ang husay ni Teacher Chrisel dahil sa pagbabahagi ni Kirstin, naging winning contender na ang singing teacher sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.”

Taong 2016 nang unang sumalang si Teacher Chrisel sa kompetisyon. Nagbalik din ang guro sa parehong kompetisyon noong 2017 kung saan nakatunggali niya si TNT Champ Janine Berdin.

Ani Kirstin, magkahalong saya at kaba umano ang naramdaman ng kanilang guro ng malamang nag-viral siya sa social media.

Pagtitiyak naman ng estudyante, isang “chill teacher” si Teacher Chrisel na ginamit ang natirang oras ng klase para sa nasabing viral video.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 51,000 reactions at 1.3 million views na ang nasabing video sa Facebook.

Tags: davaodavao cityMoira Dela TorreteacherVIRAL
Previous Post

Presyo ng Noche Buena items, tumaas na! — DTI

Next Post

Nagso-solicit sa LGUs: Scammers na ginagamit DBM, ipinaaaresto sa DILG, NBI

Next Post
PS-DBM, nanganganib ‘di mabigyan ng badyet

Nagso-solicit sa LGUs: Scammers na ginagamit DBM, ipinaaaresto sa DILG, NBI

Broom Broom Balita

  • Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato
  • Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia
  • ₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama
  • Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO
  • Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

September 27, 2023
Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

September 27, 2023
Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

September 27, 2023
Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

September 27, 2023
Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

September 27, 2023
₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

September 27, 2023
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.