• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Diskriminasyon? Kilalang lechon manok brand, binatikos dahil sa ‘no tattoo’ job requirement

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 20, 2022
in Balita, Dagdag Balita, National / Metro
0
Diskriminasyon? Kilalang lechon manok brand, binatikos dahil sa ‘no tattoo’ job requirement

Unsplash/ Lucas Lenzi

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umani ng batikos sa mga netizen ang ngayo’y viral na larawan ng job opening sa isang sikat na lechon manok brand kung saan malinaw na tatanggihan sa trabaho ang mga aplikanteng may tattoo.

Isang Facebook user ang tumawag sa atensyon ng tattoo community nitong Martes matapos hikayatin nitong ‘wag nang tumangkilik sa isang sikat na brand ng lechon manok dahil sa umano’y diskriminasyon sa kanilang hiring process.

Kalakip ng viral post, makikita ang anunsyo kung saan naghahanap ang nasabing brand ng grillman/food handler, cashier/receptionist at cook.

Agaw-pansin naman ang naka-bold na qualification sa parehong grillman at cook: no tattoo.

“Calling all friends with tattoo, wag na po tayo bumili sa Baliwag Lechon Manok at Liempo. makapag discriminate ng taong may tattoo kala mo malinis griller nyo?” mababasa sa public Facebook post ng user na si Ae Odatnemua.

“Saka na rin kayo mag-inarte kung ‘di binabawasan ng crew nyo manok namin ha. ‘Dun tayo sa Chooks-to-Go masarap kahit walang sauce. Ang taas ng qualification nyo iihaw lang naman gagawin. Bakit mas masarap ba yung ihaw nyo pag walang tattoo?” dagdag na pabirong hirit ng Facebook user.

Umani ng sari-saring reaksyon mula netizens ang naturang job opening.

Kalakhang giit nila, diskriminasyon ang nasabing kwalipikasyon sa mga taong may burda sa katawan.

Matapos umani ng batikos, naglabas ng pahayag ang pamunuan ng brand at humingi ng paumanhin sa publiko.

“We do not discriminate against anyone regardless of their personal preferences, particularly in this instance, with regard to having tattoos,” anang Baliwag.

Tiniyak din ng brand na sasalamin sa kanilang susunod na mga job opening sa hinaharap ang natutunan sa nasabing pagkakamali.

Buong pahayag ng Baliwag Lechon at Liempo
Tags: baliwag lechon manokjob openingLechon manok
Previous Post

‘Panunumbat ‘yon’: Ogie, maanghang na sinagot ang buwelta ni Willie sa mga kritiko ng ALLTV

Next Post

Robin Padilla sa mga Pilipino sa paggunita ng Martial Law: ‘Mag-move on na tayo’

Next Post
‘Sana nga!’ Manay Lolit, umaasa na susugpuin ni Senador Padilla ang korapsyon sa gov’t

Robin Padilla sa mga Pilipino sa paggunita ng Martial Law: ‘Mag-move on na tayo’

Broom Broom Balita

  • Dawn Chang, agaw-pansin ang tweet patungkol kay Karylle; napagsabihan ng netizens
  • Pokwang, nagsalita na hinggil sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: ‘Pakiramdam ko, di niya ako minahal!’
  • ‘Sawsawero daw?’ Kuya Kim, trending pa rin dahil kina Vice Ganda at Karylle
  • John Lapus, may pasaring sa mga artistang lumipat ng network pero may pending show pa
  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.