• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Chel Diokno, may storytime ukol sa Martial Law: ‘Hindi makatarungan ‘yung experience namin noon’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 20, 2022
in Balita, National / Metro
0
Chel Diokno, may storytime ukol sa Martial Law: ‘Hindi makatarungan ‘yung experience namin noon’

(screenshot/Chel Diokno/Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May storytime si Atty. Chel Diokno tungkol sa karanasan nila sa ilalim ng Martial Law noong 1972.

“Storytime! September always brings back so many memories about #MartialLaw,” sey ni Diokno sa kanyang tweet nitong Lunes, Setyembre 19, kalakip ang halos 2 minutong video.

“Storytime mga anak. Siguro alam n’yo na ngayon na ‘yung nangyari doon sa dad ko [noong] September 23, 1972. Inaresto siya na walang kasong kriminal laban sa kanya, walang warrant of arrest. Talagang bumaliktad ‘yung mundo namin noon,” panimula ni Diokno.

“We have to even suffer in the indignity of having to be strip naked tuwing dumadalaw kami sa dad ko so talagang hindi makatao at hindi makatarungan ‘yung experience namin noong Batas Militar,” dagdag pa niya.

Ikinuwento niya na noong 1990’s nagkaroon siya ng kliyente na taga military at tila dinala ulit siya sa lugar na kung saan madalas silang mamalagi noong nasa kulungan ang kanyang ama.

“Pagdating ko doon sa may Fort Bonifacio, doon pa lang sa may harap ng gate sabi ko, ‘alam ko itong lugar na ito ha. Dito ata nakulong ang tatay ko,'” kwento niya.

“Noong kausap ko na mga kliyente ko, sabi ko sa kanila, ‘kilala ko itong lugar ninyo, dito nakulong ‘yung father ko noon’,” dagdag pa niya.

Nabanggit ng kanyang mga kliyente na may larawan ang pamilya niya doon sa opisina pero hindi naman ipinakita sa kanya.

Balik-tanaw ng human rights lawyer, “When we started visiting my father, lahat kaming pamilya pinaharap kami sa isang military photographer at pinatayo kami na may nameplate tapos pinicturan kami, binigyan kami ng ID.”

Storytime! September always brings back so many memories about #MartialLaw… pic.twitter.com/7BezYFRqFB

— Chel Diokno (@ChelDiokno) September 19, 2022



Samantala, sa hiwalay na tweet, ibinahagi ulit niya ang isa pang video na kung saan ikinukwento naman niya ang isang “bitter sweet story” na nagpapaalala sa kanyang ama noong Martial Law.

“‘Yung father ko nakulong sa isang cell, apat na units ‘yon. Talagang kongkreto ‘yon, puro semento tapos meron pang tower sa taas kaya talagang binabantayan siya. Pero doon sa likod niya parang merong grassy field na puro matataas na talahib,” aniya.

Kwento pa niya, humingi ng permiso ang ama niya kung pwede nilang i-clear yung mga talahib at pumayag naman daw ito. Kaya tuwing linggo, may dala-dala silang magkakapatid na pala para tanggalin ang mga iyon at nagtanim.

Ilang taon daw ang lumipas ay nagkaroon siya ng kliyente na roon din nakakulong. Naging pamilyar ulit siya doon sa lugar at natatandaan niya kung saan makikita ang garden.

“Pagbukas niya ng pinto, it was a beautiful garden. The plants, the trees that we had planted 20 years ago, were still there. It was a bitter-sweet feeling. Sabihin na lang natin yung liwanag sa dilim o ‘yung pag-asa ay nakita ko roon sa mga natanim naming puno at halaman.”

Here’s another bitter sweet story that reminds me about my dad during #Martial Law… pic.twitter.com/aRICf8hIk0

— Chel Diokno (@ChelDiokno) September 19, 2022



Ngayong Miyerkules, Setyembre 21, 2022, ang ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Tags: chel diokno
Previous Post

DOH: Mga Pinoy na fully vaccinated na sa Covid-19, halos 72.9M na

Next Post

Public utility vehicle bawal maningil ng walang fare matrix– LTFRB

Next Post
Public utility vehicle bawal maningil ng walang fare matrix– LTFRB

Public utility vehicle bawal maningil ng walang fare matrix-- LTFRB

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.