• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dahil hindi tanggap ng ama? alitan ng mag-ama, nauwi sa tagaan

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 20, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang isang ama ng tahanan habang sugatan ang kanyang anak nang mauwi umano sa pagtatagaan ang kanilang mainitang pagtatalo na dulot umano ng matagal na nilang alitan sa Rizal nitong Linggo ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang amang si Crisanto Competente habang sugatan naman ang kanyang anak na si Salvador, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Tanay, Rizal. 

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa tindahan ni Salvador.

Bago ang krimen, nagtungo umano si Crisanto, na noon ay lasing, sa tindahan ni Salvador, upang bumili pa ng alak.

Gayunman, nang makita nito ang anak ay nagalit umano ito at sinabing, “Wala na akong anak na Badong, matagal na kitang itinakwil!”

Nauwi umano sa pagtatalo ang insidente hanggang sa kumuha ng itak ang biktima at tinaga ang suspek, na tinamaan sa ibabang bahagi ng kaliwang dibdib.

Dahil dito, napilitan nang lumaban ang suspek at pinagtataga rin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Kaagad din namang isinugod ng mga kaanak si Salvador sa Rizal Provincial Hospital System upang malapatan ng lunas, ngunit kinailangan itong ilipat sa East Avenue Medical Center dahil sa malalang sugat na tinamo nito.

Ang suspek na anak ay mahaharap sa kasong parricide sa piskalya. 

Previous Post

Vhong Navarro, sumuko sa NBI sa kasong acts of lasciviousness

Next Post

Kristel Fulgar, sumamba sa isang kapilya ng Iglesia ni Cristo sa S. Korea; Ka Tunying, proud sa vlogger

Next Post
Kristel Fulgar, sumamba sa isang kapilya ng Iglesia ni Cristo sa S. Korea; Ka Tunying, proud sa vlogger

Kristel Fulgar, sumamba sa isang kapilya ng Iglesia ni Cristo sa S. Korea; Ka Tunying, proud sa vlogger

Broom Broom Balita

  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
  • 2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

Sunog sa Recto, nag-iwan ng pinsalang aabot sa P480,000

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.