• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dating mainstream na singer, ayaw banggitin ang pinanggalingang network sa kaniyang TikTok Live

Dante Lagana by Dante Lagana
September 18, 2022
in Balita, Blind Item, Showbiz atbp.
0
Dating mainstream na singer, ayaw banggitin ang pinanggalingang network sa kaniyang TikTok Live

Mga larawan mula sa Unsplash

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang matindi pa rin ang sama ng loob ng isang singer sa dating network na kaniyang pinanggalingan. Ramdam ito nang minsan itong mag-TikTok live. Siyempre marami ang naka-miss sa singer na ito kaya naman tanong dito at tanong doon ang mga followers niya at maging ang mga hindi nakafollow sa kaniya ganoon din ang naging reaksiyon. Sa madaling salita, nagkaroon ng interaction sa naganap na pagla-live.

Bukod sa tanungan portion, may mga nangumusta rin sa singer. Eh sa husay ba naman ng boses ng mang-aawit na ito, sinong hindi makaka-miss dito na lagi mong napapanood noon sa TV bago pumasok ang pandemic. Napaka-distinct naman kasi ng datingan ng kaniyang tinig kapag ito ay umaawit na. Kaya naman marami ang nanghihinayang na nawala siya sa mainstream. In fairness sa kaniya, itinuloy pa rin naman niya sa ibang platforms ang pagbabahagi sa mga tao ng bigay ng Diyos sa kaniya which is singing, para magbigay-aliw at kasiyahan. Pumatok naman ito sa mga netizens na kaniyang ikinatuwa.

Samantala, sa pagla-live ni singer sa TikTok, natanong siya ng isang netizen kung nami-miss ba nitong lumalabas o nagsho-show sa TV. Mabilis nitong sinagot na hindi raw at sakto lang at least nabubuhay pa rin daw siya. Sundot na tanong uli ng isang netizen kung may nami-miss ba itong mga katrabaho sa network na pinanggalingan niya. Kita sa pagsagot ng singer na ayaw niyang banggitin ang network na dati niyang kinabibilangan. Maging ang singing contest na naging produkto siya ay ayaw niya itong banggitin.

Never daw siyang naging close sa mga kapwa singers na naging kasama niya noon dahil aminado siyang hindi masyadong friendly. Hindi raw niya bini-belong ang sarili niya sa mga ito at hindi rin daw siya nakikipagchikahan. After ng work, umuuwi lang daw ito kaagad dahil siya mismo ang nagluluto para sa sarili niya.

Sa pagpasok muli sa limelight, wala na raw siyang plano pero kung may magbubukas daw na pinto for another opportunity, go raw siya, pero kung wala naman, hindi na raw niya ito ipu-push. Kapag may invitation daw for guesting tatanggapin naman daw niya. Unlike before raw na winowork-out niya at sobrang focus makapasok sa mainstream. Tanggap na raw niya kung ano ang kaniyang katayuan sa ngayon. Dahil ang hirap daw ipilit ang sarili sa ayaw sa’yo. Sa sinabi niyang ito, mukhang may pinatutungkulan ang kaniyang mga salita. Yun na!

Tags: mainstreamnetworksingerTikTok Live
Previous Post

Eraserheads, nagpahiwatig ng reunion; fans, excited na!

Next Post

Dennis Padilla, ‘nanggigil’ sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila

Next Post
Dennis Padilla, ‘nanggigil’ sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila

Dennis Padilla, 'nanggigil' sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila

Broom Broom Balita

  • LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo
  • Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’
  • Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado
  • 74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

June 6, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

June 6, 2023
Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

June 6, 2023
Auto Draft

US Embassy in Manila, ‘proud’ na idinisplay Progress Pride Flag

June 6, 2023
Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

June 6, 2023
Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

June 6, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

June 6, 2023
Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.