• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Richard Gomez sa lovelife ng anak: ‘Kung pipili ka ng boyfriend, ‘wag katulad ni Richard Gomez’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 17, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Richard Gomez sa lovelife ng anak: ‘Kung pipili ka ng boyfriend, ‘wag katulad ni Richard Gomez’

Photos courtesy: Ogie Diaz (Youtube) and Richard Gomez (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dahil only child lang si Juliana Gomez, tanggap na ng actor-turned-politician na si Richard Gomez na darating talaga ‘yung panahon na magkakaroon ng boyfriend ang kanyang anak.

Sa vlog ni Ogie Diaz na umere noong Setyembre 15, isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa lovelife ng kanyang nag-iisang anak na si Juliana.  

“Wala tayong magagawa ‘di ba? Tinanggap ko na talaga ‘yung fact na darating ‘yung panahong magkakaedad si Juliana,” saad ni Goma. 

“Syempre magkakaroon ng boyfriend ‘yan eh maganda yung bata, liligawan ‘yan. Sinabi ko lang sa kanya alam mo sa itsura mong ‘yan talagang maraming aali-aligid sa paligid mo,” sey pa niya. “Bantayan mo lang, pili ka lang nang mabuti kasi kung lalaki lang napakaraming lalaki diyan.”

Dahil naging playboy umano noon si Goma, takot din siyang mapunta si Juliana sa lalaking katulad niya. Naging open naman siya sa anak tungkol sa mga pinagdaanan niya. Alam niya raw ang mga galawan ng mga lalaki gayundin sa mga babaeng madali umano bolahin at sinerseryoso.

“Sabi ko, ‘bata ka pa ‘wag mo masyado seryosohin. Basta relax ka lang. Relax ka lang, enjoy it’ dahil ako nag-enjoy din ako eh nu’ng bata kasi ako,” anang aktor.

Paalala niya sa anak, “‘Kung pipili ka ng boyfriend, ‘wag kang pumili ng boyfriend na katulad ni Richard Gomez. Kasi noong bata ‘yun babaero ‘yun, eh. Malapit ‘yan sa babae, ma-chicks ‘yun.'”

“‘Pero kung mag-aasawa ka na, pumili ka ng lalaki na katulad naman ni Richard Gomez. Nag-iba na siya. Matino na, mas mabait na’,” sey naman niya.  

Lahat naman daw ng mga umaakyat ng ligaw kay Juliana ay kinakausap niya. 

Samantala, pangarap daw nila ng kanyang asawa na si Lucy Torres na magkaroon ng apat na anak ngunit isa lang daw ang ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila.

Tags: Juliana GomezOgie Diazrichard gomez
Previous Post

‘Museo ng Pag-asa,’ magbubukas na sa publiko simula Setyembre 20

Next Post

Sepulturero, arestado dahil sa paggamit ng iligal na droga

Next Post
Sepulturero, arestado dahil sa paggamit ng iligal na droga

Sepulturero, arestado dahil sa paggamit ng iligal na droga

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.