• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3,737 daga, tiklo sa ‘Rat to Cash Program’ sa Marikina

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 15, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
‘Rat to cash’ program muling inilunsad sa Marikina

Photo courtesy: Marikina PIO

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Umaabot na sa kabuuang 3,737 ang mga dagang nahuli ng mga residente sa lungsod ng Marikina, kasunod nang muling paglulunsad ng lokal na pamahalaan ng kanilang ‘Rat to Cash Program.’ 

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, nitong Huwebes lamang, ay aabot sa 2,211 ang mga dagang naisurender ng mga residente.

Inaasahan aniyang madaragdagan pa ang naturang bilang dahil habang isinusulat ang balitang ito ay ongoing pa ang pagbibilang ng mga daga.

Nabatid na aabot naman sa 1,526 ang mga dagang naisurender ng mga residente noong Miyerkules, Setyembre 14, na siyang unang araw pa lamang ng pag-arangkada ng programa o tinatayang aabot sa halagang ₱300,000.

Sinabi ng alkalde na ang programa, na unang inilunsad noong taong 2020, ay taun-taon na nilang isinasagawa ngayon upang maiwasan ang pagkalat ng leptospirosis.

Anang City Environmental Management Office (MECO), ang ‘Rat to Cash Program’ ay isasagawa nila hanggang ngayong Biyernes, Setyembre 16, lamang.

Sa ilalim ng programa, maaaring dalhin ng mga residente ang mga mahuhuling daga, buhay man o patay, sa CEMO compound sa Gil Fernando Avenue, Brgy. Sto. Nino, Marikina City mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, upang mabayaran ang mga ito.

Ang mga patay na daga ay maaaring ilagay sa selyadong plastic bag at container habang ang mga buhay naman na nasa mouse trap ay dapat ring ilagay sa plastic bag o kaya ay sa sako.

Ang mga ito ay susuriin at titimbangin ng CEMO, saka babayaran, depende sa laki at dami.

Tanging mga rehistradong residente lamang ng lungsod ang kwalipikadong lumahok sa programa.

Anila, kailangan ng mga residente na magdala ng balidong ID kung magsu-surrender ng nahuling daga. 

Tags: Rat to Cash Program
Previous Post

Aicelle Santos, humihingi ng tulong pinansyal para sa inang nasa ICU

Next Post

₱6.83B hirit na badyet ng Ombudsman para sa 2023, tinapyasan

Next Post
Kaso vs ex-Cebu City mayor, ibinasura ng Ombudsman

₱6.83B hirit na badyet ng Ombudsman para sa 2023, tinapyasan

Broom Broom Balita

  • ‘Ambag ko po, Mommy!’ Aso, inabutan ng bente ang kaniyang fur parent, kinagiliwan!
  • Mahigit ₱2/liter, ibabawas sa presyo ng produktong petrolyo next week
  • Lolit Solis hinggil sa pagsusustento ni Paolo Contis: ‘Maaga pa, puwede ba siyang bumawi…’
  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.