• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National

HIV cases sa Pilipinas, tumataas — DOH

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
September 14, 2022
in National
0
HIV cases sa Pilipinas, tumataas — DOH
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tumaas na ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules.

Sa pahayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 1,346 ang naitalang nahawaan ng sakit nitong nakaraang Hulyo.
“Comparing that to the previous years of our monthly average, this is really high, higher than before,” paglalahad ni Vergeire sa panayam sa telebisyon.

Sa ngayon aniya, halos 150,000 na ang tinamaan ng HIV.

Noong 2017, nakapagtala ang DOH ng 72,000 HIV cases.

Sa report ng DOH mula 1984 hanggang 2006, natuklasang naihahawa ang sakit sa pamamagitan ng hindi maingat na pagkikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki at mga babae.

“However, in 2007, the trend shifted, and more cases were detected among males who have sex with males (MSM). In 2020, 90 percent of new infections were among MSM,” banggit ng DOH.

Sa datos naman ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines (HARP), binanggit na umabot sa 4,574 ang namatay sa sakit mula 1984 hanggang 2020.

Dahil dito, nanawagan si Vergeire na dapat na samantalahin na ang libreng HIV testing ng ahensya, bukod pa ang treatment and support programs nito. 

“I would just like to tell everybody that if you have HIV, it is not a death sentence for you,” anito.

Nilinaw ni Vergeire, naglalaan ang pamahalaan ng ₱5 bilyon taun-taon para sa programa laban sa HIV at iba pang priority diseases.

“You can live a productive life. Hindi po kailangan katakutan, hindi po kailangang pandirian,” pahayag pa ni Vergeire.

Previous Post

Holdaper sa England, inulan ng biyaya dahil sa isang TikTok video

Next Post

Idol Philippines Khimo Gumatay, pinabilib si ‘Boyz II Men’ member Wanya Morris

Next Post
Idol Philippines Khimo Gumatay, pinabilib si ‘Boyz II Men’ member Wanya Morris

Idol Philippines Khimo Gumatay, pinabilib si ‘Boyz II Men’ member Wanya Morris

Broom Broom Balita

  • ‘From kitten to pussycat!’ Self-improvement ni Kitty Duterte, usap-usapan
  • Mag-asawa, patay sa bumaligtad na 18-wheeler truck sa Nueva Vizcaya
  • ‘Di perpekto relasyon natin!’ Mag-asawang John at Isabel Oli-Prats, nagdiwang ng 10th anniversary
  • Mula sining, puso, at anibersaryo: Mga ganap ngayong buwan ng Pebrero
  • ‘I feel fresh!’ Dina, hindi raw nasaktan sa pasaring na ‘artistang matanda’ ni Alex
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.