• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DOJ Secretary Remulla, lusot na sa Commission on Appointments

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
September 14, 2022
in Balita, National
0
DOJ Secretary Remulla, lusot na sa Commission on Appointments
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Bago kinumpirma ng CA ang appointment ni Remulla, inusisa muna ito sa kaso ni dating Senator Leila de Lima at tinanong din ito kung ano ang pananaw nito sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) nia inatasang bawiin ang umano’y ill-gotten wealth ng pamilya ni President Ferdinand Marcos, Jr..

Ipinagpaliban naman ang kumpirmasyon ni Labor Secretary  Bienvenido Laguesma upang mabigyan ito ng pagkakataong matugunan ang mga tanong ng mga mambabatas dahil sa alegasyong isa itong “union buster.”

Inilatag naman ni Remulla ang panukala niyang palawakin ang saklaw ng mandato ng PCGG, hindi lang sa pamilya Marcos.

Binigyang-diin nito na ang mungkahing i-abolish o lusawin ang ahensya ay kinakailangang dumaan muna sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Ang PCGG ay isang parte ng gobyerno na binabanggit sa transitory provisions ng ating Saligang Batas. Kaya ng abolisyon nito ay kailangan talaga ang dalawang Kamara ay magkasundo, kung ito ay tapusin na ang buhay ng PCGG,” tugon nito sa pag-usisa sa kanya ni Senator Risa Hontiveros.

“Kaya ang suggestion ko na ito ay gawing fitted assets management office kasi dito nasanay ang PCGG, para makinabang tayo sa karanasan ng PCGG sa pag-handle ng ganitong mga assets,” lahad nito.

Kaugnay nito, tiniyak naman nito ang mabilisang paglilitis sa kaso ni De Lima na nakakulong pa rin sa kasong may kinalaman umano sa iligal na droga sa National Bilibid Prisons.

Previous Post

Libreng sakay, PUV modernization atbp, ‘di na pinondohan ng DBM

Next Post

Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’

Next Post
Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’

Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.