• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Toni Talks, mapapanood sa ALLTV; Makakapanayam si PBBM sa ikalawang pagkakataon

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
September 11, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Toni Talks, mapapanood sa ALLTV; Makakapanayam si PBBM sa ikalawang pagkakataon

Screenshot mula sa Instagram ni Toni Gonzaga

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ilang araw matapos pumirma ng kontrata sa ALLTV, inilabas ng TV host at actress na si Toni Gonzaga ang teaser ng ‘Toni Talks’ special na kung saan makakapanayam niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ikalawang pagkakataon.

Bukod sa YouTube channel ni Toni, ito rin ay mapapanood sa ALLTV ng AMBS 2. 

Matatandaan na nag-guest na si PBBM sa Toni Talks noong Setyembre 13, 2021 na kung saan hindi pa siya ang pangulo ng bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/

Mapapanood sa teaser ang pagpasok ni Toni sa loob ng Malacañang habang maririnig ang kanyang boses na ipinapakilala si PBBM noong panahon ng kampanya.

“Matapos ang tatlong dekada ng paghihintay. Magbabalik na si BBM sa kanyang tahanan. Ang pinaka pinag-uusapan, ang nangunguna, ang pilit na ibinabagsak ngunit lalong namamayagpag. Ang Tigre ng Norte, ang pangulo ng Pilipinas… Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.,” saad ng aktres na tila ito na ang hudyat na nakabalik na si Marcos Jr. sa kanyang tahanan.

Bagama’t walang sinabi kung kailan ito eere sa ALLTV, ito ay mukhang ipalalabas na sa Setyembre 13 dahil ito ang official launch ng bagong network at ito rin ang araw ng kapanganakan ng pangulo. 

Bukod dito, ibinahagi ni Willie Revillame na mapapanood din ang ‘Wowowin’ sa Setyembre 13 sa ALLTV. Tila tatapatan nito ang Eat Bulaga, It’s Showtime, at Lunch Out Loud.

“Starting September 13 alas-12 ng tanghali kasama n’yo na po ang hinihintay ninyong network, ito po ang network ng bawat Pilipino… ito ang ALLTV Network!” saad nito sa Facebook live ng Wowowin noong Lunes, Setyembre 5.

Samantala, excited na rin ang mga netizen na mapanood ang ‘Toni Talks’ special.

“OMG!! Ang fresh pa sa isip ko nung first interview mo sakanya Ate, literally from where all it started. So excited!!!”

“So proud of you Ms. Toni di ka rin po nagpatinag sa mga hindi comments sayo during the campaign”

“grabeeee Ang bongga naman ng teaser can’t wait to watch it”

“His FIRST interview since BECOMING PRESIDENT! Let’s all watch this guys!!”

“Omg! Can’t wait!! Super excited for this one!!! Another trending topic na nman toh haha!! Looking forward sa interview na to Ms.Toni. Godbless us everyone.”

“Teaser palang nakaka excite ng panoorin yyeeyy panoorin ko talaga to. Solid BBM to ee”

“Parang kelan lang na na interview mo sya Mamshie Toni..ngayon President na sya ng ating Bansa”

“Thank you for the chance of giving us another episode to watch with our President BBM. Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino hindi sa mga banyaga o isip banyaga!”

“Can’t wait to watch the whole of this!!! Hats off, miss Toni G.”

“Lahat ng nainterview mo miss toni napanood ko na.eto talaga aabangan ko miss toni.I am so excited!”

“Goosebumps pa rin yung introduction mo kay BBM”

“feeling ko ipapalabas to sa birthday ni PBBM. Parang kelan lang nung 1st interview ni Toni ngayon sa malacanang na talaga. Nakakaiyak”

“Can’t wait to watch the full episode..The unshakable and unstoppable Ms.Toni G”

Tags: President Bongbong MarcosToni Talks
Previous Post

TV anchor sa Oklahoma, nakaranas ng mga ‘paunang senyales’ ng stroke sa isang live na newscast

Next Post

‘Bus-urahan?’ Pasahero, nawindang sa sinalaulang upuan ng sinakyang bus

Next Post
‘Bus-urahan?’ Pasahero, nawindang sa sinalaulang upuan ng sinakyang bus

'Bus-urahan?' Pasahero, nawindang sa sinalaulang upuan ng sinakyang bus

Broom Broom Balita

  • Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina
  • Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China
  • ‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte
  • 3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD
  • Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund
Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

Reklamo, ipinasasampa vs SUV driver sa viral road rage sa Marikina

October 2, 2023
Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

Thailander, ni-knockout! Eumir Marcial, nakapasok na sa semis sa Asiad sa China

October 2, 2023
‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

‘Konsyerto sa Palasyo’ na alay sa mga guro, dinaluhan nina Marcos, VP Duterte

October 1, 2023
3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

3 pang menor de edad sa ‘kulto’ sa Socorro, hawak na ng DSWD

October 1, 2023
Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

Solon, umaasa sa pangako ng DBM na taasan Marawi compensation fund

October 1, 2023
Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

Nalugi sa rice price ceiling: Sari-sari store owners sa Capiz, inayudahan ng DSWD

October 1, 2023
‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

‘Mahiya raw kay Anne Curtis!’ Arra San Agustin, naokray dahil sa ibinansag

October 1, 2023
2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

2 Chinese, timbog sa Comelec gun ban sa Bulacan

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1

October 1, 2023
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.