• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Sports Basketball

Gilas Pilipinas Women, naka-bronze medal sa FIBA U-18 Asian Championship

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
September 11, 2022
in Basketball, Sports
0
Gilas Pilipinas Women, naka-bronze medal sa FIBA U-18 Asian Championship
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang nakadidismayang pagkatalo nitong nakaraang araw, nakabangon din ang Gilas Pilipinas Women makaraang masungkit ang bronze medal laban sa Samoa, 84-68, sa FIBA Under-18 Women’s Asian Championship sa Sree Kanteerava Indoor Stadium sa Bangalore, India nitong Linggo ng hapon.

Kumana ng 27 puntos si Sumayah Sugapong sa Gilas Women, bukod pa ang anim na rebounds habang ang kakamping si Louna Ozar ay nagdagdag ng 15 puntos.
Nag-ambag naman ng 14 puntos si Kristan Yumul.

Sa third quarter, dikdikan pa ang laban ng mga ito kung saan isang puntos lang ang abante ng National team, 45-44 kasunod ng layup ni Sugapong.

Mula sa naturang abante, unti-unti na ring nakalalayo ang Gilas, 53-49, kasunod ng buslo ni Camille Nolasco.

Sa huling bahagi ng laban, rumatsada na nang husto ang Philippine team, tampok ang sunud-sunod na tres nina Yumul Liane Ashley Loon.

Umabot na rin sa 15 ang abante ng mga Pinoy, 82-67, matapos ang layup ni Kate Bobadilla, isang minuto na lang sa regulation period hanggang sa tuluyan nang maiuwi ang panalo.

Sa panig ng Samoa, naka-30 points pa si Malia Jae Ruud, dagdag pa ang 134 rebounds habang naka-double-double naman ang teammate na si Kira-May Filemu, 13 puntos at 13 rebounds.

Nitong Sabado ng gabi, tinalo ng Malaysia ang Pilipinas, 66-65, sa kanilang semifinal round.

Previous Post

DOTr: Bahagi ng Meralco Avenue sa Pasig, isasarado simula Oktubre 3

Next Post

‘Inday’ lalabas na ng PAR sa Martes

Next Post
Bagyo, namataan sa labas ng PAR 

'Inday' lalabas na ng PAR sa Martes

Broom Broom Balita

  • Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato
  • Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia
  • ₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama
  • Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO
  • Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!
‘Di pa kumakalma! Bulkang Mayon, nakapagtala pa ng 147 rockfall events

Bulkang Mayon, nagbuga pa rin ng mga bato

September 28, 2023
(Manila Bulletin File Photo)

Comelec control sa Socorro, Surigao del Norte ‘di na kailangan — Garcia

September 28, 2023
₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

₱49.4M jackpot sa lotto, walang tumama

September 27, 2023
Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

Paggawa ng license plates, inaapura na ng LTO

September 27, 2023
Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

Patay sa ‘leptos’ sa Ilocos Region, 33 na!

September 27, 2023
Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

Mga miyembro ng Socorro group, ‘di tatanggalin sa 4Ps — DSWD

September 27, 2023
Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

Carla bet mapasama sa ‘Batang Quiapo’; wala pang kontrata sa GMA

September 27, 2023
₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

₱224,000 ‘hot’ lumber, kumpiskado sa Romblon

September 27, 2023
Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

Ricky Davao kina Bea, Dennis: ‘Ang sarap nilang katrabaho’

September 27, 2023
TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

TikTok influencers kumanta; nabayaran para siraan si Maggie Wilson

September 27, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.