• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Tom Rodriguez, patuloy pa rin daw iniiyakan si Carla Abellana

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 9, 2022
in Showbiz atbp.
0
Manay Lolit Solis sa pagsabog ni Carla: ‘Mas maganda na sana na naging tahimik ang lahat’

Tom Rodriguez at Carla Abellana/via Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ito’y ayon sa common friend ng talent manager na si Ogie Diaz at ni Kapuso actor.

“According to my friend, si Tom [Rodriguez] sobrang nami-miss si Carla kahit nasa US na at kasama ang kaniyang pamilya. Sobrang nami-miss si Carla. Once in a while, umiiyak pa rin si Tom kapag naalala niya si Carla,” ani Ogie sa pinakahuling update sa kaniyang YouTube showbiz channel ayon sa isang kaibigang source.

Habang patuloy umanong nai-enjoy ng aktor ang sarili sa ibang bansa, hindi pa rin umano ito tuluyang nakaka-move on sa kinahantungan nila ng dating asawa.

Basahin: ‘Carla had given up on our marriage’ — Tom Rodriguez – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Kumbaga pinipilit ni Tom na makalimot, pansamantala. Pero ‘pag siya ang nag-iisa na at nag-iisip-isip, naalala niya si Carla,” ani Ogie.

“Talagang mahal pa rin ni Tom si Carla kaya lang gustong makipaghiwalay si Carla,” dagdag ng talent manager.

Samantala, unti-unti na raw tumatanggap ng raket si Tom sa Amerika habang hindi pa nakakabalik ng bansa.

Mayroon pa rin daw itong kasalukuyang kontrata sa GMA na ipinagpapasalamat ng aktor matapos payagan siyang magpahinga sa Amerika kasunod ng tinamong kontrobersiya.

Ilang mga intriga rin ang nilinaw ng source ni Ogie at pinabulaanan ang mga naunang item kagaya ng umano’y pambababae ni Tom at ang na-scam umano nitong ipon nilang mag-asawa na umabot sa halagang P24-M.

Noong Hunyo nang maglabas ng anunsyo si Tom ukol sa kumpirmasyon ng kanilang divorce ni Carla matapos ang ilang buwang espekulasyon ukol sa kanilang hiwalayan.

Tags: carla abellanaTom Rodriguez
Previous Post

May banta ba? Carla, aminadong may personal security

Next Post

2,313 pa, nahawaan: Covid-19 cases sa ‘Pinas, mahigit sa 3.9M na!

Next Post
Babala ng DOH: Average daily cases ng Covid-19, 2,091 na!

2,313 pa, nahawaan: Covid-19 cases sa 'Pinas, mahigit sa 3.9M na!

Broom Broom Balita

  • Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol
  • Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol
  • Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’
  • 1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora
  • Chel Diokno sa Bar passers: ‘Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya’
Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

Operasyon ng tren, pansamantalang sinuspinde dahil lindol

December 5, 2023
Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

December 5, 2023
Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

Valentine kay Kathryn: ‘You don’t need a man’

December 5, 2023
1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

1,109 daycare students, nabiyayaan ng libreng sapatos ni Mayor Zamora

December 5, 2023
Chel Diokno sa Bar passers: ‘Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya’

Chel Diokno sa Bar passers: ‘Palaging tiyakin na mangingibaw ang hustisya’

December 5, 2023
Valentine sa bashers ni Andrea: ‘Kasalanan ba maging maganda?’

Valentine sa bashers ni Andrea: ‘Kasalanan ba maging maganda?’

December 5, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros sa Bar passers: ‘Your degree is a signal of hope for many Filipinos’

December 5, 2023
Elijah Canlas nahulog kina Andrea Brillantes, Daniela Stranner?

Elijah Canlas nahulog kina Andrea Brillantes, Daniela Stranner?

December 5, 2023
Pamu Pamorada, dinepensahan si ‘Sofia’

Pamu Pamorada, dinepensahan si ‘Sofia’

December 5, 2023
3,812 examinees, pasado sa 2023 Bar exams

3,812 examinees, pasado sa 2023 Bar exams

December 5, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.