• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Michael Pangilinan sa paninirahan sa States: ‘Kung pagbibigyan kami ng Diyos wala namang problema’

Dante Lagana by Dante Lagana
September 7, 2022
in Balita, Showbiz atbp.
0
Michael Pangilinan sa paninirahan sa States: ‘Kung pagbibigyan kami ng Diyos wala namang problema’

Photo courtesy: Michael Pangilinan (Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

High spirit ang singer na si Michael Pangilinan nang ibahagi niya ang kanyang video sa kanyang Instagram habang naglalakad-lakad ng maaga malapit sa hotel na tinutuluyan nila sa Canada. 

View this post on Instagram

A post shared by Khel Pangilinan (@khel.pangilinan)

Naroon kasi ang trio na “BuDaKhel” na kinabibilangan nila Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan para sa concert tour nila doon na naganap last Sept. 2 at 4. Kasama ang Power Diva na si Angeline Quinto. After ng Canada, US concert tour naman ang kasunod nila. 

Pagsasalaysay ni Michael ang buhay daw natin ay hindi mo mahuhulaan kung saang landas patutungo. 

Hindi raw kasi akalain ni Michael na makakarating sila ng Canada nang dahil sa talento ng kanilang boses bilang mga mang-aawit. Dinala raw kasi sila ng producer nila dahil sa gusto ng mga Pilipino na mag-show sila doon. 

“Well isa lang ang napag-isip isip ko habang naglalakad ako dito yung life natin talagang hindi mo siya… unpredictable, super unpredictable kasi sinong mag-aakalang na nandito kami sa Canada ngayon,” aniya

Thankful si Michael kay Lord na nabigyan sila ng pagkakataong makarating ng ibang bansa. Dahil ika niya hindi naman lahat nabibigyan ng chance na makapunta ng Canada. Kahit daw medyo makulit sila hindi naman daw sila pinababayaan ng Poong Maykapal. 

Sa pagpapatuloy ng kanyang video tinanong daw sila doon kung may plano raw silang tumira sa States. 

Saad niya, “Well, kung pagbibigyan kami ng Diyos wala namang problema kasi sa buong buhay natin hindi naman puwedeng sa Philippines lang tayo titira. Kailangan nating ma-explore yung buong mundo. Pero bago tayo umalis sa Pilipinas gusto ko muna maikot namin yung buong Pilipinas yung Cebu, Davao, tira kami doon ng 1 year ganoon. Tingnan natin kung anong mangyayari kung saan kami dadalhin ng aming mga talento ng aming mga boses ng aming mga ugali. Kasi basically ganoon lang yun.”

Maganda ang sinabi ni Michael sa huling video niya dahil todo ang pasasalamat niya sa mga taong tumatangkilik sa kanila bilang mga singers dahil kung wala ang mga tagapakinig at mga tagasuporta wala rin sila kung nasaan man sila ngayon. 

“Gusto ko lang magpasalamat sa inyo kasi isa kayo sa mga inspirasyon namin at kayo talaga ang bumubuhay sa amin. Kung wala naman nakikinig e di wala kaming…Parang fuel kung walang gas walang tatakbo diba. So para lang kaming vehicle kayo ang mga gas namin. So maraming salamat sa inyo.” 

View this post on Instagram

A post shared by Khel Pangilinan (@khel.pangilinan)

Tags: Michael Pangilinan
Previous Post

Carlos Agassi, naaksidente habang naglalaro ng basketball

Next Post

Suplay, kinakapos na rin? Gov’t, mag-aangkat na rin ng asin

Next Post
Suplay, kinakapos na rin? Gov’t, mag-aangkat na rin ng asin

Suplay, kinakapos na rin? Gov't, mag-aangkat na rin ng asin

Broom Broom Balita

  • Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada
  • Bulilit noon, malaki na ngayon! Netizens, nagulat sa dating child stars
  • Huling nawawala sa bumagsak na temple roof sa India, natagpuang patay!
  • ‘Matapos kina Janella, Jane!’ Joshua, hinigop si Jodi
  • Military assets, panatilihing ‘ready to go’ — Marcos
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.