• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Maynila, hindi pa magpapatupad ng ‘non-obligatory’ na paggamit ng face mask sa open spaces

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 7, 2022
in Balita, Metro, National / Metro
0
Monthly allowance ng 5,000 MPD cops, ilalabas na– Mayor Honey

Photo courtesy: Manila Mayor Honey Lacuna (Manila PIO/FILE)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na hindi nila tutularan umano ang Cebu City at hindi pa sila magpapatupad sa lungsod ng ‘non-obligatory’ na paggamit ng face mask sa mga open spaces.

Ang pagtiyak ay ginawa ng alkalde sa regular flag raising ceremony sa Manila City Hall noong Lunes, kasunod ng kontrobersiya nang pagpapatupad ng Cebu City ng polisiya na hindi na obligatory ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces sa lungsod.

Nanawagan rin naman si Lacuna sa mga residente na ipagpatuloy ang pagtalima sa minimum health protocols, partikular na ang pagsusuot ng face masks.

“Maipaalala ko lamang po, lagi po tayong susunod sa lahat po ng panuntunan ng ating lungsod. Ang mask mandate ay nandiyan pa rin,” pagbibigay-diin ni Lacuna na isa ring doktor.

“Ber months na…pasilip-silip na si Jose Mari Chan, kinakantahan na po kayo.  Pero bago po tayo maging excited sa mga susunod na buwan lalo na sa paghahanda natin sa darating na Kapaskuhan, paalala lamang po…patuloy nating panatilihin ang minimum health protocols para na rin sa ating kaligtasan,” aniya pa.

“Ang COVID ay nariyan pa rin sa ating paligid.  Bagamat mababa na po ang numero o bilang ng COVID cases sa atin pong lungsod, wala pa ring tatalo sa pagiging maagap,” paalala pa ng alkalde.

Sinabi pa ni Lacuna na iginagalang niya ang desisyon ng Cebu City, ngunit tiniyak na ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay patuloy na susunod sa dikta at pagmamalasakit ng mga ahensya ng national government, lalo na sa pagtugon sa pandemya.

Binigyang-diin pa ng alkalde na kaya naririyan ang mga protocols dahil may kadahilanan at resulta ito ng masusing pag-aaral ng mga health authorities at eksperto sa pandemya.

Matatandaang unang nilagdaan ni Cebu City Mayor Michael Rama noong August 31 ang Executive Order No. 5, kung saan ang pagsusuot ng face masks sa lungsod ay non-obligatory na.

Samantala, habang isinusulat naman ang balitang ito ay inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa huling bahagi ng taon.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang rekomendasyon ng IATF ay gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces at hindi crowded na outdoor areas na may maayos na bentilasyon, kung huhusay pa ang COVID-19 booster uptake sa bansa. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/07/optional-na-paggamit-ng-face-mask-inirekomenda-na-ng-iatf/

Tags: face maskMaynilad
Previous Post

Kris, posibleng ma-diagnose ng ika-5 autoimmune condition, kebs nang makalbo para sa mga anak

Next Post

SUV driver na nag-hit-and-run sa Mandaluyong, ‘not guilty’

Next Post
SUV driver na nag-hit-and-run sa Mandaluyong, ‘not guilty’

SUV driver na nag-hit-and-run sa Mandaluyong, 'not guilty'

Broom Broom Balita

  • Guro sa Koronadal City, naging ‘part-time teacher, full-time babysitter’ ng fur babies
  • All-out war vs ‘ghost’ receipts, pinaigting ng BIR
  • 5 drug personalities, arestado; drug den, binuwag sa Mabalacat City
  • ‘Anak’ ni Julia Montes, dalaga na; hinangaan ang ganda
  • DepEd, walang planong ibalik ang summer break sa Abril at Mayo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.