• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National/Sports

Labador, di tumiklop kay Pingris: ‘Nasa’n na ba yung naghahamon ng 1V1?’

Richard de Leon by Richard de Leon
September 6, 2022
in National/Sports, Showbiz atbp., Sports
0
Labador, di tumiklop kay Pingris: ‘Nasa’n na ba yung naghahamon ng 1V1?’

Rendon Labador at Marc Pingris (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sunod-sunod ang mga naging social media post ng motivational speaker/fitness guru na si Rendon Labador matapos ang ginawang paghamon sa kaniya ng tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris.

Matatandaang usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang hamon ng Gilas Pilipinas legend na si Pingris kay Labador, nang magkomento ito laban kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes, matapos ang laban sa koponan ng Saudi Arabia.

“Hindi tayo mananalo sa puro paawa effect,” ani Labador.

Nakarating naman ito kay Pingris na isang Gilas legend at diretsahang hinamon ng one-on-one ang motivational speaker.

“Rendon Labador … idol balita ko magaling ka daw sa basketball. 1on1 tayo san at kaylan mo gusto pupuntahan kita.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/marc-pingris-hinamon-si-rendon-labador-1-on-1-tayo-saan-at-kailan-mo-gusto-pupuntahan-kita/

Hindi naman nagpatiklop kay Pingris at tila nakahanda itong kumasa sa hamon nito.

“Patulan ko ba?🤦‍♂️ #1v1 Battle Of The YouTubers Boss MG exhibition game okay ka?,” caption ni Labador sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 2.

“Pakitanong baka nabibigla lang siya. Nag kamali siya ng hinamon,” aniya pa.

Sa isang video, sinabi ni Labador na baka nabibigla lamang si Pingris sa ginawa nitong paghamon sa kaniya. Sa isang tugon, sinabi ni Pingris na hindi naman daw siya nabibigla sa ginawa niyang paghamon kay Labador.

Noong Sabado, Setyembre 3, hinanap ni Labador ang naghamon na si Pingris at binigyan pa ito ng ultimatum hanggang Lunes, Setyembre 5.

“Till Monday dapat mag-decide ka na kung lalaban ka ba o hindi. Kung wala kang sagot, huwag mo na sayangin oras ko,” caption ni Labador.

Kalakip nito ang naging parinig niya sa naghamon sa kaniya.

“REMINDER: Kung hindi ka pala lalaban, huwag ka nang maghahamon. Balikan mo na lang ako kapag buo na ang loob mo. Bawal ang DUWAG sa mundo!”

Sa comment section, may pahabol na pahayag naman si Labador.

“Guys huwag kayo magalit. Ako yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito last week lang.”

“Nasan na ba yung naghahamon ng 1V1?”

“Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinakamalakas.”

Setyembre 4, muling nagpakawala ng pahaging si Labador.

“Bukas Monday move on na tayong lahat. Hype hype lang pala, akala ko naman lalaban,” caption niya.

“Ayaw naman lumaban ng sinasabi ninyong idol ninyo sa basketball. Duwag pala ‘yan. Hamon ng hamon nung pumalag ang hinahamon wala na paramdam. Last chance bukas. Tapos move on nalang tayo sayang oras.”

Sa isa pang Facebook post noong Lunes, Setyembre 5, ibinida ni Labador ang kaniyang TikTok video kung saan makikitang naglalaro siya ng basketball.

“Ngayon lang ako humawak ng bola. Pag bibigyan lang natin yung nag hahamon. Sana hindi siya naduduwag,” muling hirit ni Labador.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pingris tungkol sa mga patutsada sa kaniya ni Labador.

Tags: basketballmarc pingrisPinoy SakuragiRendon Labador
Previous Post

Marc Pingris, hinamon si Rendon Labador: ‘1 on 1 tayo saan at kailan mo gusto pupuntahan kita’

Next Post

Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards

Next Post
Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards

Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang 'Outstanding Asian Star' ng Seoul International Drama Awards

Broom Broom Balita

  • Iwas offload? Biyaherong palipad ng Los Angeles, literal na nakatoga nang dumating sa NAIA
  • 2 pang kasama ni teen artist Andrei Sison sa car accident, patay rin!
  • ₱4.9 milyong sigarilyo, naharang ng Customs sa Zamboanga
  • Dagdag seats para sa sold-out concert ni Sarah G, binuksan para sa naghahabol pang fans
  • Binarat daw? DTI-Iloilo, naghahanap ng 2 dagdag kawani na college degree holder para sa P9k sahod
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.