• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home National/Sports

‘Huwag n’yo ko hamunin kung hindi pala kayo lalaban, mga duwag!’ Labador, hinahanap na si Pingris

Richard de Leon by Richard de Leon
September 6, 2022
in National/Sports, Sports
0
‘Huwag n’yo ko hamunin kung hindi pala kayo lalaban, mga duwag!’ Labador, hinahanap na si Pingris

Rendon Labador at Marc Pingris (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tuloy-tuloy ang naging social media posts ng motivational speaker/fitness guru na si Rendon Labador matapos ang ginawang paghamon sa kaniya ng tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris.

Matatandaang usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang hamon ng Gilas Pilipinas legend na si Pingris kay Labador, nang magkomento ito laban kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes, matapos ang laban sa koponan ng Saudi Arabia.

“Hindi tayo mananalo sa puro paawa effect,” ani Labador.

Nakarating naman ito kay Pingris na isang Gilas legend at diretsahang hinamon ng one-on-one ang motivational speaker.

“Rendon Labador … idol balita ko magaling ka daw sa basketball. 1on1 tayo san at kaylan mo gusto pupuntahan kita.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/marc-pingris-hinamon-si-rendon-labador-1-on-1-tayo-saan-at-kailan-mo-gusto-pupuntahan-kita/

Hindi naman nagpasindak kay Pingris si Labador at tila nakahanda itong kumasa sa hamon nito.

“Patulan ko ba?🤦‍♂️ #1v1 Battle Of The YouTubers Boss MG exhibition game okay ka?,” caption ni Labador sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 2.

Sa isang video, sinabi ni Labador na baka nabibigla lamang si Pingris sa ginawa nitong paghamon sa kaniya. Sa isang tugon, sinabi ni Pingris na hindi naman daw siya nabibigla sa ginawa niyang paghamon kay Labador.

Noong Sabado, Setyembre 3, hinanap ni Labador ang naghamon na si Pingris at binigyan pa ito ng ultimatum hanggang Lunes, Setyembre 5.

“Till Monday dapat mag-decide ka na kung lalaban ka ba o hindi. Kung wala kang sagot, huwag mo na sayangin oras ko,” caption ni Labador.

Kalakip nito ang naging parinig niya sa naghamon sa kaniya.

“REMINDER: Kung hindi ka pala lalaban, huwag ka nang maghahamon. Balikan mo na lang ako kapag buo na ang loob mo. Bawal ang DUWAG sa mundo!”

Sa comment section, may pahabol na pahayag naman si Labador.

“Guys huwag kayo magalit. Ako yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito last week lang.”

“Nasan na ba yung naghahamon ng 1V1?”

“Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinakamalakas.”

Sa isa pang Facebook post noong Lunes, Setyembre 5, ibinida ni Labador ang kaniyang TikTok video kung saan makikitang naglalaro siya ng basketball.

“Ngayon lang ako humawak ng bola. Pag bibigyan lang natin yung nag hahamon. Sana hindi siya naduduwag,” muling hirit ni Labador.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/labador-di-tumiklop-kay-pingris-nasan-na-ba-yung-naghahamon-ng-1v1/

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Pingris tungkol sa mga patutsada sa kaniya ni Labador.

Tags: marc pingrisRendon Labador
Previous Post

Tyang Amy, chill na tinapos ang spiels ng balita kahit may alarma dahil sa sunog sa ABS-CBN building

Next Post

Dalaga, nagtinda ng fudge cake upang makatulong sa bayarin sa ospital ng nobyong na-confine

Next Post
Dalaga, nagtinda ng fudge cake upang makatulong sa bayarin sa ospital ng nobyong na-confine

Dalaga, nagtinda ng fudge cake upang makatulong sa bayarin sa ospital ng nobyong na-confine

Broom Broom Balita

  • Patawa raw? Netizens, kinuyog ang ‘Outstanding Comedian of the Year’ award ni Juliana Parizcova
  • Operasyon ng Pasig River Ferry System, suspendido sa Semana Santa
  • Student-athlete na nag-collapse sa isang football varsity game, patay!
  • Dahil sa bentahan ng tiket online, official fan club ni Sarah G, nagbabala vs scammers
  • Ogie Diaz, naniniwalang matalinong tao si Rendon Labador
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.