• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards

Richard de Leon by Richard de Leon
September 6, 2022
in Showbiz atbp.
0
Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards

Belle Mariano (Larawan mula sa IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Itinanghal na “Outstanding Asian Star” para sa 17th Seoul International Drama Awards 2022 ang Kapamilya at “He’s Into Her” star na si Belle Mariano.

Makikita sa Instagram post ng “Rise Artist Studio”, ang talent camp ni Belle, ang pagbati nila para sa rising star ng Kapamilya Network, at isa sa bumubuo ng tambalang “DonBelle” (Donny Pangilinan-Belle Mariano).

“Congrats Belle for winning the ‘OUTSTANDING ASIAN STAR 2022’ in the Seoul International Drama Awards,” ayon sa caption.

“Rise Fam is very proud of you!”

View this post on Instagram

A post shared by Rise Artists Studio (@riseartistsstudio)

Talaga namang umalagwa ang showbiz career ni Belle matapos ang pagbida nila ni Donny sa “He’s Into Her” na kamakailan lamang ay nagtapos na. Bukod dito, patok din ang pelikula nilang “Love is Color Blind”. Nagkaroon na rin siya ng sariling solo concert na “Daylight”.

Ibinahagi ni Belle sa kaniyang Instagram post noong Agosto 28 ang appreciation niya sa palabas na HIH.

“Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak”

“Minutes before I stepped out of the stage, I told myself I won’t cry— because last night was a celebration of all of our hardwork and your support for the past 4 years. But upon hearing our graduation song, I can’t help not to shed a tear as it all flashed the memories we’ve shared throughout this journey.”

“It was bittersweet because It felt like a farewell, but a great one as well because I spent it with you guys together with the HIH Staff and Crew, ABS-CBN Bosses, iWant TFC @iwanttfc, Ms. Van @v_r_v_ , Direk Chad @cvovidanes, Ate Maxine @maxinejiji, HIH Cast @hesintoherseries, I wouldn’t have done it without you guys❤️ and lastly, I’m glad I get to spend this journey with you Nato @donny thank you … No one can pull off Deib like you did.”

View this post on Instagram

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)

Si Belle ang kauna-unahang Filipino actress na makatatanggap ng parangal na ito. Ang mga Pinoy artists naman na nakatanggap ng parangal na ito ay sina Kapuso stars Alden Richards at Dingdong Dantes noong 2019 at 2020.

Tatanggapin ng aktres ang kaniyang parangal sa Setyembre 22, na mapapanood nang live sa KBS 2TV.

Tags: 17th Seoul International Drama Awards 2022Belle MarianoOutstanding Asian Star (Philippines)
Previous Post

Labador, di tumiklop kay Pingris: ‘Nasa’n na ba yung naghahamon ng 1V1?’

Next Post

DOTr, naglunsad ng Bike Lane Directory

Next Post
DOTr sa mga bus, PUVs, terminals sa NCR: Minimum health protocols at 70% capacity, tiyaking nasusunod

DOTr, naglunsad ng Bike Lane Directory

Broom Broom Balita

  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
  • Las Piñas, nag-aalok ng libreng konsultasyon sa mata, operasyon sa katarata
  • Suspek sa online estafa, inaresto ng pulisya sa Tarlac
  • Bilang ng nahawaan, tumaas? 819, nagpositibo sa HIV sa QC
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.