• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Bianca Umali, umanib sa ‘Iglesia ni Cristo’ kasunod ng relasyon nila ni Ruru Madrid

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 5, 2022
in Showbiz atbp.
0
Bianca Umali, umanib sa ‘Iglesia ni Cristo’ kasunod ng  relasyon nila ni Ruru Madrid

Ruru Madrid at Bianca Umali via Instagram

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Para kay Ruru Madrid, si Bianca Umali na ang “the one” matapos niyang makita na handang mag-take ng risk ang aktres para sa kaniya.

Ang Kapuso aktor ay mula sa isang pamilya ng Iglesia ni Cristo (INC).

Bilang isang devoted INC, aminado si Ruru na committed siyang makarelasyon ang isang babaeng kapareho ng kaniyang pananalig.

Basahin: Ruru Madrid, bumisita sa isang lokal ng Iglesia ni Cristo sa Seoul, South Korea – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya naman malaking respeto ng aktor sa kaniyang girlfriend na si Bianca matapos nitong magpa-convert bilang INC member.

“Before ka maging INC, eight months. Kailangan mo aralin ‘yung 25 lessons, and then after that kailangan mo pa ‘yung tinatawag naming ‘sinusubok.’ Dun kailangan hindi ka makapag-miss ng kahit isang pagsamba. Kailangan mo makapunta dun sa mga tinawang naming mga pulong, na lahat yun dapat makumpleto mo,” pagbabahagi ni Ruru sa Toni Talks kaugnay ng naging proseso ng pagpapa-convert ni Bianca.

“For her [Bianca] po kasi, inaral niya po muna and same with me. Kaya somehow ‘di ko masasabi na it’s because of me kaya niya ginawa ‘yun,” dagdag ng aktor.

Samantala, sigurado na umano si Ruru na si Bianca na ang kaniyang “the one.”

“I mean simula nong time na umabot ako sa point na pwede na akong magkaroon ng relationship, ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuporta ako nang sobra…at willing siya mag-take ng risk para maipakita niya lang sa akin kung gaano ako kaimportante sa kaniya,” saad ni Ruru.

“Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae, nasa kaniya na,” dagdag ng “Lolong” actor.

Pag-amin din ni Ruru, una rin nilang itinago ang kanilang relasyon para sa kapakanan ng kanilang mga love teams noon.

Matatandaang kamakailan lang, sa unang pagkakataon ay inamin ni Ruru na apat na taon na silang dating ni Bianca.

Basahin: Ruru Madrid, first time sinagot kay Jessica Soho ang tungkol sa label ng relasyon nila ni Bianca Umali – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tags: Bianca Umaliiglesia ni cristoRuru Madrid
Previous Post

Viva actress Kylie Verzosa, opisyal nang winelcome bilang hurado ng Miss Bahrain 2022

Next Post

Mga baboy na tinamaan ng ASF sa Sorsogon, ipinapapatay

Next Post
Mga baboy na tinamaan ng ASF sa Sorsogon, ipinapapatay

Mga baboy na tinamaan ng ASF sa Sorsogon, ipinapapatay

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.