• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Miss Intercontinental 2021 Cindy Obeñita, bumisita sa Vietnam

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 3, 2022
in Balita, Features
0
Miss Intercontinental 2021 Cindy Obeñita, bumisita sa Vietnam

Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita/Team Viet Quy via Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mainit na sinalubong ng pageant fans ang beauty queen at Miss Intercontinental 2021 na si Cinderella Faye Obeñita sa bansang Vietnam para sa ilang official duties bilang reigning queen.

Tumulak ng Vietnam si Cindy noong Miyerkules para sa ilang serye ng kaniyang tungkulin bilang kasalukuyang titleholder ng pageant brand.

Sa ilang mga larawang ibinahagi ni Cindy sa kaniyang social media, ilang young pageant fans ang sumalubong sa Pinay sa airport.

Nakikilala na rin ang Vietnam bilang isa sa mga bansang Asya na nagpapadala ng malalakas na delegada sa ilang international beauty pageants, lalo na sa Miss Universe.

Kasama naman sa nag-welcome kay Cindy ang itinalagang Miss Intercontinental Vietnam 2022 na si Le Nguyen Bao Ngoc.

Noong Huwebes, si Cindy rin ang nag-pin ng official sash sa Vietnamese representative.

Bumiyahe ang Pinay titleholder sa Vietnam upang isulong din ang turismo ng bansa, kultura nito at ang pagtampok sa mga Vietnamese.

Nitong Biyernes, kasama rin ni Cindy si Le Nguyen para gunitain ang ika-77 Independence Day ng Vietnam.

Sa Oktubre matatapos ang reign ni Cindy kasunod ng inaabangan nang Miss Intercontinental 2022 sa Egypt.

Tags: Cindy ObeñitaMiss Intercontinentalvietnam
Previous Post

Motorsiklong inangkasan ni Robredo sa rally sa Cavite noong Marso, ibinigay sa ‘Museo ng Pag-asa’

Next Post

Vhong Navarro, muling pinabulaanan ang alegasyong rape ni Deniece Cornejo: ‘Alam ng Panginoon yun’

Next Post
Vhong Navarro, muling pinabulaanan ang alegasyong rape ni Deniece Cornejo: ‘Alam ng Panginoon yun’

Vhong Navarro, muling pinabulaanan ang alegasyong rape ni Deniece Cornejo: ‘Alam ng Panginoon yun’

Broom Broom Balita

  • Bangketa, planong gawing parking space sa Maynila
  • PBBM, hinikayat ang publikong makiisa sa 2023 Earth Hour
  • Iwas offload? Biyaherong palipad ng Los Angeles, literal na nakatoga nang dumating sa NAIA
  • 2 pang kasama ni teen artist Andrei Sison sa car accident, patay rin!
  • ₱4.9 milyong sigarilyo, naharang ng Customs sa Zamboanga
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.