• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Jaclyn Jose, hindi na muna tuloy sa pagreretiro

Richard de Leon by Richard de Leon
September 3, 2022
in Showbiz atbp.
0
Jaclyn Jose, hindi na muna tuloy sa pagreretiro

Larawan mula sa IG/Jaclyn Jose

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na umano matutuloy ang nakatakda sanang pagreretiro sa pag-arte ng batikang aktres na si Jaclyn Jose, taliwas sa nauna na niyang ipinahayag sa kaniyang Instagram post sa unang araw pa naman ng Setyembre.

“I am retiring….marami po[ng] salamat,” simpleng caption ni Jaclyn.

Sinegundahan pa niya ito sa comment section na maaaring dahilan ng kaniyang planong paghinto na sa aktingan.

“I just sooooo luv Andi and Gwen most and foremost to have come into this.”

“Masakit but… I know I have to go,” aniya pa.

Screengrab mula sa IG/Jaclyn Jose

Hindi na idinetalye pa ng aktres kung ano ang pinagdaraanan ng kaniyang anak na si Andi Eigenmann.

Maikli man, subalit nataranta ang kaniyang mga tagahanga sa kaniyang anunsyo ng pagreretiro, lalo’t naging sunod-sunod ang mga naging proyekto niya sa GMA Network. Ang huling teleserye niya ay “Bolera” na pinagbidahan ni Kylie Padilla.

Ngunit ilang saglit lamang ay agad niyang binura ang IG post. Ayon sa ipinadalang mensahe sa isang entertainment portal, gusto na raw talagang magretiro ng award-winning actress subalit may dalawang taon pa siyang kontrata sa Kapuso Network.

“I wanted to but I still have (a) 2 years contract with GMA,” aniya.

Marami naman sa mga tagahanga niya ang tila nakahinga nang maluwag.

Tags: andi eigenmanncontractgma networkJaclyn Joseretirement
Previous Post

2,812, bagong Covid-19 cases sa ‘Pinas — DOH

Next Post

AJ Raval, nagbalandra ng mga litrato para sa kaniyang bertdey; pinusuan ni Aljur Abrenica

Next Post
AJ Raval, nagbalandra ng mga litrato para sa kaniyang bertdey; pinusuan ni Aljur Abrenica

AJ Raval, nagbalandra ng mga litrato para sa kaniyang bertdey; pinusuan ni Aljur Abrenica

Broom Broom Balita

  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
  • Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak
  • 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves
  • 765 alagang hayop sa Maynila: Nabakunahan sa ‘Oplan Alis Rabis’
  • Mga mananampalataya, hinikayat na personal nang dumalo sa banal na misa sa mga simbahan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.