• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ilang lugar sa Maynila, binaha; MDRRMO at MPD, nagbigay ng libreng sakay

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
September 3, 2022
in Balita, National / Metro
0
Ilang lugar sa Maynila, binaha; MDRRMO at MPD, nagbigay ng libreng sakay
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binaha ang ilang lugar sa lungsod ng Maynila nitong Sabado dahil na rin sa naranasang malalakas na pag-ulan.

Bunsod nito, nagkaloob ang pamunuan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRMMO) at Manila Police District (MPD) ng libreng sakay sa mga stranded na pasahero.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang libreng sakay ay mula Vito Cruz, Taft Avenue hanggang Monumento at Welcome Rotonda at Divisoria.

“Libeng Sakay also currently implemented. Salamat po and ingat po lahat!” ani Abante, sa isang Viber message sa mga mamamahayag.  

“Libreng Sakay po under MDRRMO and MPD po. Vito Cruz, Taft Avenue po to Monumento Welcome Rotonda po saka Divisoria,” aniya pa.

Batay sa ulat ng MPD, hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Setyembre 3, 2022, kabilang sa mga lugar na may baha ay ang Dimasalang/Aragon St. at Rizal Avenue/Recto na sakop ng MPD-Sta. Cruz Police Station (PS-3); Ramon Magsaysay Blvd/Altura at España/Blumentritt na sakop ng MPD-Sampaloc Police Station (PS-4);  Union St. at Peñafrancia corner P. Gil, Paco at Taft Avenue corner Padre Faura to UN Ave (Northbound), na sakop ng MPD-Ermita Police Station (PS-5); A. Francisco to Tejeron, Quirino to P. Gil, at Pasigline to Sagrada Pamilya to A. Francisco, na sakop ng MPD-Sta. Ana Police Station (PS-6).

May baha rin umano sa Jose Abad Santos/Antipolo St. at Jose Abad Santos/Tayuman St., na sakop naman ng MPD-Jose Abad Santos Police Station (PS-7);  Pedro Gil corner P. Quirino, Paco PNR Station, at P. Quirino northbound corner Tomas Claudio na sakop ng MPD-Pandacan Police Station (PS-10); Main Road ng Brgy. 649, Baseco Compound, sa Port Area, na sakop ng MPD-Baseco Police Station (PS-13) at Bilibid Viejo tapat ng San Sebastian Church na sakop naman ng MPD-Barbosa Police Station (PS-14).
Anang MPD, ang mga naturang lugar ay pawang baha ngunit nananatiling passable naman sa lahat ng uri ng sasakyan. 

Tags: manila
Previous Post

Bagsik ng Pinoy! World No. 1 Duplantis, laglag kay EJ Obiena sa Brussels

Next Post

₱238K halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa 28 drug personalities sa Baguio

Next Post
₱238K halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa 28 drug personalities sa Baguio

₱238K halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa 28 drug personalities sa Baguio

Broom Broom Balita

  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
  • 7 panukalang batas vs teenage pregnancy, pasado na sa House committee level
  • 2 Japanese senior citizen, pinakamatandang foreigners na nakaakyat sa Mt. Apo
  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.