• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Vlogger na si ‘Pambansang Kolokoy’, aminadong hiwalay na sa misis; masaya na sa piling ng iba

Richard de Leon by Richard de Leon
April 30, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Vlogger na si ‘Pambansang Kolokoy’, aminadong hiwalay na sa misis; masaya na sa piling ng iba

Joel Mondina a.k.a. Pambansang Kolokoy at Marites Mondina (Screengrab mula sa YT Channel/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Wala na po kami ni Marites.”

Iyan ang pasabog ng vlogger na si “Pambansang Kolokoy” o Joel Mondina, matapos niyang aminin sa kaniyang mga subscribers, na hiwalay na sila ng misis na si Marites Mondina, na lagi niyang kasama sa kaniyang mga vlog.

View this post on Instagram

A post shared by Pambansang Kolokoy (@pambansang_kolokoy)

Marami kasing nakapansing hindi na kasama si Marites sa mga vlog ni Joel, kaya minabuti na ni Pambansang Kolokoy na basagin na ang katahimikan. Isang vlog na pinagamatang “Peace of Mind” ang kaniyang inupload sa YouTube channel noong Agosto 28, upang ilahad sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay ang kanilang sitwasyon ngayon ni Marites. Sinimulan niya ang vlog sa pagpapasalamat sa kaniyang mga subscribers.

“Yes, mga kaibigan, me and Marites are no longer together. Wala na po kami ni Marites,” pag-amin ni PK.

Ayaw pa sanang magsalita ni PK dahil sa prosesong pinagdaraanan nila, subalit minabuti na niyang magsalita at magpaliwanag dahil dumarami ang mga nagtatanong sa kaniya.

Inamin ni Pambansang Kolokoy na may karelasyon na siyang iba, at masaya sila sa piling ng isa’t isa.

“Yes, I’m with someone else now, and we’re happy. Masaya kami. At hindi naman po ako nagsisisi na nangyari ‘yon…”

Ayaw raw niyang magsalita ng hindi maganda tungkol kay Marites lalo at may masasayang pinagsamahan naman sila at ina ito ng kaniyang mga anak.

May mga bagay raw na nangyayari sa kanilang personal na buhay na hindi na nila ipinaaalam at ipinakikita sa vlog; kaiba sa mga nakikita at napapanood ng mga tao, na masayang-masaya sila. Marami raw mga nangyayari sa likod ng camera na hindi alam ng mga tao, at minamabuti na nilang hindi ipinakikita sa kanilang vlog.

Sinagot din ni PK kung kumusta naman ang relasyon niya sa mga anak nila. Sinabi naman niyang okay sila at maayos ang kanilang relasyon.

“They are very okay. Lahat po ng gusto nila, lahat ng hilingin nila, kahit na hindi ko kaya, kinakaya ko. Dahil anak ko po ang mga iyon, mga bestfriends,” pahayag niya.

“Hindi po ako pabayang ama… hindi ko po pababayaan ang mga anak ko. Hindi ko rin naman sisiraan si Marites…” aniya pa.

Hindi rin umano namimilit si PK na manatili ang kaniyang mga subscriber dahil sa mga nangyari, lalo’t marami-rami ang mga nagsabing ngayong wala na si Marites sa kaniyang vlog, hindi na nila siya susuportahan.

Nangako naman si PK na hinihintay lamang niyang matapos ang binanggit niyang prosesong pinagdaraanan nila, at pagkatapos niyon ay maglalabas pa siya ng iba pang mga video.

Marami sa mga tagahanga at tagasubaybay nila ang labis na nalulungkot sa mga nangyari.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sa kampo naman ni Marites.

Panoorin ang ginawang paliwanag ni PK sa kaniyang vlog:

Tags: break-upJoel MondinaMarites MondinaPambansang Kolokoyvlogger
Previous Post

Mayor Honey, nagpakalat ng mas maraming traffic enforcers sa Maynila

Next Post

Libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2, patuloy pa rin– DOTr

Next Post
LRT-2, magkakaloob ng free rides para sa Filipino veterans mula Abril 5-11

Libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2, patuloy pa rin-- DOTr

Broom Broom Balita

  • ITCZ, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa South Luzon, Visayas, Mindanao
  • #WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido ngayong Setyembre 22
  • Dagdag-hakbang vs rice price hike, irerekomenda ng NEDA
  • Babala ng Phivolcs: Bulkang Taal, nagbubuga pa rin ng vog
  • ‘Mistaken identity?’ 14-anyos na lalaki, patay nang pagbabarilin
ITCZ, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa South Luzon, Visayas, Mindanao

ITCZ, magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa South Luzon, Visayas, Mindanao

September 22, 2023
Klase sa Rizal nitong Miyerkules, sinuspinde ng DepEd dahil sa bagyong Amang

#WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido ngayong Setyembre 22

September 22, 2023
Marcos, umaasang matupad ipinangakong ₱20/kilong bigas

Dagdag-hakbang vs rice price hike, irerekomenda ng NEDA

September 22, 2023
27 volcanic quakes, naitala sa Taal — Phivolcs

Babala ng Phivolcs: Bulkang Taal, nagbubuga pa rin ng vog

September 21, 2023
Magsasaka, patay sa pamamaril sa Nueva Ecija

‘Mistaken identity?’ 14-anyos na lalaki, patay nang pagbabarilin

September 21, 2023
265 job order employees, mawawalan ng trabaho dahil sa tapyas-budget — Cagayan governor

265 job order employees, mawawalan ng trabaho dahil sa tapyas-budget — Cagayan governor

September 21, 2023
Malacañang, walang pahayag sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law

Malacañang, walang pahayag sa ika-51 anibersaryo ng Martial Law

September 21, 2023
MRT-3: 216 na visually impaired passengers, napagkalooban ng libreng sakay

Mga kawani ng gobyerno na nabigyan ng libreng sakay, umabot sa halos 15K

September 21, 2023
Auto Draft

Lagman, hinikayat mga Pinoy na alalahanin ang Martial Law

September 21, 2023
92M balota para sa BSKE, natapos nang iimprenta ng NPO

92M balota para sa BSKE, natapos nang iimprenta ng NPO

September 21, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.