• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ogie Diaz, nag-react sa post ng isang magazine editor patungkol kay Robredo

Richard de Leon by Richard de Leon
August 30, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Ogie Diaz, nag-react sa post ng isang magazine editor patungkol kay Robredo

Ogie Diaz, Atty. Leni Robredo, at Christine Cunanan (Larawan mula sa FB/Manila Bulletin/Ateneo De Manila University)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nag-react ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa naging social media post umano ng isang travel magazine editor at founder/managing director ng isang hotel na si Christine Cunanan, patungkol sa naging bahagi ng talumpati ni dating Vice President, ngayon ay chairperson ng “Angat Buhay Foundation” na si Atty. Leni Robredo, nang imbitahan sa commencement exercises sa Ateneo De Manila University.

Ayon umano sa post ni Cunanan, hindi raw niya maunawaan o nahihirapan siyang i-decode ang isang bahagi ng talumpati ni Robredo.

“Is it just me having a hard time decoding this? #helpme,” caption ni Cunanan sa kaniyang post, kalakip ang screengrab ng pubmat kung saan nakalagay ang bahagi ng talumpati ni Robredo.

Isang netizen ang nagtweet nito at kinomentuhan na “YEP! Just you having a hard time understanding the deepness of what Leni is saying. Sayang yung blue check.”

Mababasa sa pubmat ang bahagi ng talumpati ni Robredo tungkol sa paglilingkod sa bayan. Inihalintulad pa niya ito sa “down from the hill” na bahagi ng lyrics ng Ateneo De Manila University Hymn na “A Song for Mary”.

Sey ni Ogie sa kaniyang tweet, “Ganun talaga pag di mo gusto yung tao, kahit anong gawin niya, kukuwestiyunin mo. Hahanapan mo ng butas. Parang utak nitong si Cunanan, hinahanap.”

Ganun talaga pag di mo gusto yung tao, kahit anong gawin niya, kukuwestiyunin mo. Hahanapan mo ng butas. Parang utak nitong si Cunanan, hinahanap. https://t.co/0MFXiFxRYK

— ogie diaz (@ogiediaz) August 29, 2022

Batay sa mga litrato at Facebook post ni Cunanan, siya ay tagasuporta ng UniTeam noong nakaraang halalan.

Samantala, ilang mga netizen din ang napa-react dito.

“Are you an ADMU graduate? Do you know what ‘DOWN FROM THE HILL’ means? If yes, please explain it to your co-alumnus Christine Cunanan. Thanks,” sabi ng isa.

Turan ng isa, “Christine Cunanan – any Ateneo Grade 5 student will be able to explain to you what it means. Hot tip: the audience are Ateneo student graduates, they know exactly what she means. There’s a song in there that all Ateneans know by heart starting from grade 1.”

“Ang ‘down from the hill’ ay linya sa Ateneo school hymn. Ang school kasi ay nasa burol overlooking Marikina at palagi sinasabi dito na ang mga Atenista ay dapat makihalubilo at tumulong sa mga nangangailangan sa baba ng burol. Para kay Atty. Leni Robredo, dapat equal ang tingin sa lahat. Dapat alisin ang idea sa mga Atenista na kailangan pa nila bumaba ng bundok/burol para tumulong at kailangan pa sila akyatin para makahingi ng tulong.”

“Wala dapat hadlang at walang pinipili sa pagtulong sa mga tao. Kung hindi ka naman kasi parte ng Ateneo community, mahihirapan ka talaga intindihin yung relevance ng concept na ‘down from the hill.’ Isipin din natin na ang audience ni Atty. Leni Robredo kahapon ay mga Atenista at hindi ang Pilipinas. Sila ang makakaintindi sa sinabi niya,” paliwanag ng isa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cunanan tungkol sa isyung ito.

Tags: ateneo de manila universityAtty. Leni RobredoChristine Cunanancommencement speakerOgie Diaz
Previous Post

Kim Rodriguez, magiging kontrabida sa Darna? super excited na sa new journey ng kanyang showbiz career

Next Post

DepEd: 76 private schools sa W. Visayas, nagsarado na

Next Post
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

DepEd: 76 private schools sa W. Visayas, nagsarado na

Broom Broom Balita

  • LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo
  • Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’
  • Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado
  • 74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

Kambyo ni Sen. JV: ‘We shouldn’t bash the talents of the new EB’

June 6, 2023
Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

Paglipat ng TVJ, iba pang OG Eat Bulaga hosts sa TV5 hindi pa kasado

June 6, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

74 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

June 6, 2023
Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

Alexa Miro, flinex pa-misa ng TAPE, Inc. sa pagbabalik ng Eat Bulaga

June 6, 2023
Auto Draft

US Embassy in Manila, ‘proud’ na idinisplay Progress Pride Flag

June 6, 2023
Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

Manager ni Kuya Kim, sinagot kung kasama ba ang alaga sa bagong Eat Bulaga

June 6, 2023
Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

Buking ni Bea Alonzo: isa sa ex niya, pinapag-weighing scale siya

June 6, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Negros Occidental, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

June 6, 2023
Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

Gerald Santos, sobrang honored sa magaganap na pag-awit ng National Anthem ng Amerika

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.