• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita National / Metro

Mga walk-in applicants para sa educational cash aid, pinalalayas sa pila

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
August 27, 2022
in National / Metro
0
Mga walk-in applicants para sa educational cash aid, pinalalayas sa pila
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinaaalis ang mga walk-in applicant na pumila sa labas ng mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-asang makakuha ng educational cash assistance.

Ayon sa mga nakapilang aplikante, nitong Biyernes ng gabi pa sila pumila sa kabila ng abiso ng DSWD na hindi na sila tumatanggap ng mga walk-in upang maiwasan ang magulong pamamahagi ng cash assistance.

Sinabihan ng mga guwardiya ng DSWD sa Maynila ang mga nakapila na umuwi na lamang kung hindi nakapagrehistro online sa pamamagitan ng QR code ng ahensya.

“Pakiusap huwag na sana pumunta, masasayang ang Sabado n’yo, lalo kung mangungutang pa ng pamasahe,” apela naman ni DSWD spokesperson Romel Lopez.

Gayunman, nagrereklamo ang karamihan sa mga nakapila at sinabing hindi nila alam ang bagong sistema.

“Hindi po talaga kami na-update. Nakaka-disappoint po siyempre ‘di po ako papasok sa trabaho mamaya tapos magkano rin ‘yung mawawala sa ‘kin di ba?” Sayang po kasi ilang beses na po ako nag-absent sa trabaho para po asikasuhin ‘to. Kasi working student po ako at single parent po ‘yung mama ko kaya super need ko po talaga ‘yung financial assistance na ibibigay,” sabi ng isa sa mga pumilang estudyante nang kapanayamin sa telebisyon.

Idinadaing din ng ilang walk-in applicants na wala silang cellular phone kaya hindi sila makakapagrehistro online.

Nitong Sabado, nasa 1,250 aplikante lamang ang pinayagang pumila matapos makapagharap ng patunay na mayroon silang DSWD appointment para makakuha ng educational assistance.

Matatandaang dinumog ng mga aplikante ang mga tanggapan ng DSWD nitong nakaraang linggo na nagresulta sa magulong sistema kaya iniutos ng ahensya na dumaan na muna sa online registration ang mga ito upang hindi na maulit ang insidente.

Previous Post

‘Ang kalat!’ Pia, nanggigil sa ‘nips’ at kilikili ng jowa; mga netizen, nawindang

Next Post

Diokno, may sagot sa tanong hinggil sa pag-share ng ‘fake news’ sa social media vs cyber libel

Next Post
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Diokno, may sagot sa tanong hinggil sa pag-share ng 'fake news' sa social media vs cyber libel

Broom Broom Balita

  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
  • ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

Lala Sotto: ‘Being a Sotto should not be taken against me’

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.