• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

38 PDL na nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, nakapagtapos sa ilalim ng ALS program

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
August 27, 2022
in Balita, Probinsya
0
38 PDL na nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, nakapagtapos sa ilalim ng ALS program
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY — Nagtapos ng elementary at junior high school sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education (DepEd) ang 38 Person Deprive of Liberty (PDL) mula sa male at female dorm sa Baguio City Jail ng Bureau of Jail Management and Penology. 

Sa nasabing bilang, 30 ang mula sa male dorm at ang tatlo dito ay nagtapos sa elementarya samantalang walo naman sa female dorm kung saan ang dalawa rito ay nagtapos sa elementarya.

Ayon kay JSupt.Mary Ann Ollaging-Tresmanio, jail warde, ang mga PDL learner ay sumailalim ng anim na buwang ALS Mobile learning at bukod dito ay ginabayan din sila ng ilang jail guards na may alam sa pagtuturo.

“Bagama’t may mga edad na ang ating PDL ay hindi ikinahiya na mag-aral pa sa kabila ng kanilang kinahaharap na kaso, dahil gusto nilang matuto at nagpapasalamat tayo sa DepEd na may ganitong programa para sa kanila,” ayon kay Tresmanio.

May kabuuang 425 PDL ang nasa male dorm, samantalang 92 naman sa female dorm, na 60 porsyento dito ay may mga kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Ayon kay Mang Basilio, 57, ang pinakamatandang learner na nagtapos, ay malaki ang kanyang pasasalamat sa ALS program ng DepEd dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatapos ng elementarya sapagkat Grade 2 lamang ang natapos niya.

“Noong kabataan ko, naloko ako sa barkada at nang pasukin ko ang pocket mining ay nainggayo ako sa kinikitang pera, hanggang sa makalimutan ko na ang pag-aaral. Gusto ko man mag-aral noon, pero nahihiya na ako dahil sa edad ko,” pahayag ni Mang Basilio.

Ayon kay Mang Basilio, walo ang kanyang anak, na lahat ay nagtapos ng pag-aaral at may mga kurso.

“Sa edad kong ito ay pinilit ko na makasali sa ALS at marami akong natutunan, lalo na ang pagsulat ng aking pangalan at pagbabasa, kaya kung sakaling makalaya ako ay hindi na ako magmumukhang no read, no write at kung mabibigyan pa ng pagkakataon ay gusto ko ring marating ang junior high school,” aniya.

Panawagan nito sa mga kabataan na mahalaga ang edukasyon dahil dito naka-akibat ang buhay o kapalaran ng isang tao.

“Kayong mga kabataan huwag ninyong sayangin ang panahon, mag-aral habang bata pa, mahirap na kagaya ko na matanda na saka lang nag-isip na mag-aral sa kabila pa nasa loob ng kulungan,” dugtong pa ni Mang Basilio.

Tags: baguio cityPDL
Previous Post

Guro, ibinahagi ang realisasyon matapos ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga paaralan

Next Post

‘Ang kalat!’ Pia, nanggigil sa ‘nips’ at kilikili ng jowa; mga netizen, nawindang

Next Post
‘Ang kalat!’ Pia, nanggigil sa ‘nips’ at kilikili ng jowa; mga netizen, nawindang

'Ang kalat!' Pia, nanggigil sa 'nips' at kilikili ng jowa; mga netizen, nawindang

Broom Broom Balita

  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • 144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
  • Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus
  • ₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Posible pa ring sumabog: Mayon, yumanig ulit ng 221 beses

144 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon

September 29, 2023
Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

Fever cases sa N. Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus

September 29, 2023
₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

₱3.6B shabu, nasamsam sa isang bodega sa Pampanga

September 28, 2023
ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

ABS-CBN, may pahayag sa pagbasura ng MTRCB sa apela ng It’s Showtime

September 28, 2023
‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

‘Pinas, maaaring magkaroon ng 2 o 3 bagyo sa Oktubre – PAGASA

September 28, 2023
Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

Warship ng PH Navy, nagpatrolya ulit sa WPS

September 28, 2023
Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

Sala-salabat na electric wires sa Maynila, sinisimulan nang ayusin

September 28, 2023
‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

‘Harry Potter’ star Michael Gambon, pumanaw na

September 28, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.