• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sharon, humirit kay Coco; gumawa ng special episode para sa bitin na love story nina Cardo Dalisay at Mara

Richard de Leon by Richard de Leon
August 25, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sharon, humirit kay Coco; gumawa ng special episode para sa bitin na love story nina Cardo Dalisay at Mara

Rowell Santiago, Julia Montes, Sharon Cuneta, at Coco Martin (Larawan mula sa IG/YT Channel/Balita Online)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinag-usapan sa social media at talaga namang tinutukan ng mga manonood ang “Pambansang Pagtatapos” ng tinaguriang “longest-running teleserye” sa Philippine television na “FPJ’s Ang Probinsyano” at marami rin ang nag-aabang kung ano ang susunod na magiging proyekto ng bida at direktor nitong si Coco Martin.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/

May mga lumulutang na espekulasyong isa na namang remake ng pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr. ang nakalinyang proyekto ni Coco, subalit nanggaling na mismo sa aktor-direktor na wala pa silang napag-uusapan ng ABS-CBN bosses tungkol dito.

Si Megastar Sharon Cuneta naman na naging bahagi rin ng cast bilang si Aurora, aminadong humirit kay Coco na sana raw ay magawan ng book 2 o kahit special episode ang love story ni Cardo Dalisay; tutal naman daw ay buhay pa ang mga karakter nila ni Mara (Julia Montes) at President Oscar Hidalgo (Rowell Santiago).

“Hidalgo family.❤️ Tinext ko ang anak kong boss namin na si @cocomartin_ph kahapon. Sabi ko gawa kami special episode kasi bitin loveteam nila ni Mara at pagkikita ng pamilya nila Oscar, Aurora at Mara!” pahayag ng Megastar sa kaniyang Instagram post noong Agosto 18.

Ngunit ang reaksiyon ni Coco—natawa lamang daw ito. Aminado naman kasi si Shawie na maging siya ay nabitin sa naunsyaming kuwento ng pag-iibigan nina Cardo at Mara.

“Natawa lang anak ko at miss na daw nila ako 😂😂😂. Eh kasi sabi ko dami nabitin lalo na ako! ❤️🥰 .”

Pahabol pa niya, “Coco anak, basahin mo comments sabi sayo bitin sila eh!”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa comment section naman ng kaniyang IG post ay bumaha nga ng mga komento, na nais nilang makita ang mga nangyari sa buhay nina Oscar at Aurora, Cardo at Mara.

“Hindi rin na-explain kung paano nabuhay si Mara, maganda mapakita na nag-reunite na si Mara sa parents niya na sina Oscar at Aurora, sana nga may Book 2 Ang Probinsyano.”

“Yessss please!!! Would love see that!!! O kaya alternate ending yung buhay ang Task Force Agila!”

“Yes super bitin po… sana next ‘Ang Pagbabalik ng Probinsyano…”

Sa kabilang banda, may mga nagmungkahing gumawa na lamang sila ng pelikula o kaya naman ay sitcom.

Tags: coco martinJulia MontesRowell Santiagosharon cuneta
Previous Post

DepEd, kakastiguhin ang gurong pinagsalitaan nang masama ang Grade 5 pupil niya

Next Post

Negros Occidental, posibleng mag-lockdown vs monkeypox

Next Post
Negros Occidental, posibleng mag-lockdown vs monkeypox

Negros Occidental, posibleng mag-lockdown vs monkeypox

Broom Broom Balita

  • Reward vs killer ng estudyante ng DLSU sa Cavite, itinaas na sa ₱1.1M
  • Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists
  • ‘Kambal’ ni AJ Raval, pinatanggal
  • Mga nagmomotorsiklo, hinuhuli na sa bike lane sa QC
  • France, umaasiste rin sa Mindoro oil spill response ng Pilipinas
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.