• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

‘Ayokong manood ng basura!’ Film director Jay Altarejos, tinawag na ‘poser’ ang MiM, Katips

Richard de Leon by Richard de Leon
August 24, 2022
in Showbiz atbp.
0
‘Ayokong manood ng basura!’ Film director Jay Altarejos, tinawag na ‘poser’ ang MiM, Katips

Jay Altarejos at posters ng Maid in Malacanang at Katips (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Nagpapayabangan” pero pareho lamang daw poser ang pelikulang “Maid in Malacañang” ni Direk Darryl Yap at “Katips” ni Atty. Vince Tañada, ayon sa film director na si Joselito “Jay” Altarejos.

Ayon sa naging panayam sa kaniya ng media para sa kaniyang ika-15 anibersaryo sa film industry, sinabi umano ni Altarehos na pareho lang naman ang dalawang pelikula.

“‘Katips’ and ‘Maid in Malacañang’ are in the same mold. Look at them. They are both vying kung sino mas malaki ang kinita. Itong isa nagsasabi na malaki ang kinita namin pero joke lang daw. So that’s disinformation. You are not helping to solve the problem. You are being part of the problem,” aniya.

Kung totoong para sa bayan ang naturang mga pelikula, sana raw ay ibinigay na lamang nang libre ang mga tiket sa taumbayan. Kapitalismo pa rin umano ang nanaig at tinawag pa niyang “poser” ang dalawang nagbabanggaang pelikula.

“Poser ‘yang dalawang ‘yan. Magkapareho lang sila. Wala silang pinagkaiba. Sino nagpalabas ng libre sa kanila? Nagyayabangan pa kung sino mas malaking kinita. Kapitalista pala kayo e. Hindi para sa bayan ‘yan.”

Inamin naman ng direktor na hindi pa niya napapanood ang dalawang pelikula dahil ayaw aniyang manood ng basura.

Pareho ding binira ng film director sina Yap at Tañada.

“Sasabihin titignan natin kung ano ‘yung mabuti at masama. Put, kahit anong magandang nangyari sa panahon ng Marcos, alalahanin natin na may pinatay, may inabuso. Kahit anong kabutihan na ‘yon ay hindi katumbas ng buhay,” pahayag ng direktor laban sa MiM.

At para naman sa Katips, “Tigilan natin na mga Kakampinks paglaban sa mga Marcos kunwari yung ‘Katips’ tapos sasabihin ng direktor ‘ay hindi po ito anti-Marcos.’ Ano ka, gumagawa ka ng pelikula tungkol sa Martial Law hindi ka anti-Marcos? Ano ka, pro-Marcos?”

Nakilala ang mga award-winning indie films ni Altarejos gaya ng “Ang Lihim ni Antonio”, “Ang Lalake sa Parola”, “Ang Laro ng Buhay ni Juan”, “Kasal”, at marami pang iba. Siya ang founder ng grupong ” 2076 Kolektib”.

“2076 Kolektib is a group of media practitioners that creates contents aimed to arouse, organize, and mobilize people to resist any form of oppression,” saad sa deskripsiyon ng Facebook page nito.

Si Altarejos ay lumilikha rin ng mga pelikula sa ilalim ng VIVA Films. Kadalasan ay LGBTQIA+-themed ang kaniyang mga pelikula.

Tags: Atty. Vince TañadaDarryl YapJay AltarejosKatipsMaid in Malacañang
Previous Post

Anak ni dating senador Kiko Pangilinan na si Miel, nagbigay-pugay sa kaniyang 59th birthday

Next Post

‘Para di ka na sad!’ Netizen na naglalambing sa jowa, na-wrong send; nabigyan ng mojos, chicken wings

Next Post
‘Para di ka na sad!’ Netizen na naglalambing sa jowa, na-wrong send; nabigyan ng mojos, chicken wings

'Para di ka na sad!' Netizen na naglalambing sa jowa, na-wrong send; nabigyan ng mojos, chicken wings

Broom Broom Balita

  • Kim Atienza, kumpiyansang mapupunta siya sa langit kapag nategi
  • Suspek sa pagpatay sa DLSU student sa Cavite, dating may kasong robbery — PNP chief
  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.