• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Pageant coach ni Miss Universe Thailand, isang Pinoy!

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
August 23, 2022
in Features
0
Pageant coach ni Miss Universe Thailand, isang Pinoy!

Mga larawan: RL's Angels/IG

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinikilala ang husay ng mga Pilipino hindi lamang sa bansa ngunit maging sa buong mundo. Iyan ang pinatunayan ng isa nating kababayan, ang tao sa likod ng pagsungkit ni Anna Sueangam-iam sa korona ng Miss Universe Thailand.

Nakaraang Hulyo 30, kinoronahan si Anna bilang MU Thailand. Maging malaking papel sa likod ng tagumpay ni Anna ang Filipino pageant coach na si RL Lacanienta.

Noong Hunyo 12, huling araw ng aplikasyon para sa MUT 2022, inanunsyo ni Lacanienta sa kanyang Instagram account ang kanyang pakikipagtulungan sa team ni Anna.

Maituturing na well-experienced na si RL dahil mahigit isang dekada na siyang pageant coach.

Siya rin ang founder ng pageant training camp na RL’s Angels, pinaglagihan ni Anna sa loob ng dalawang linggo para sa madugong pag-ensayo.

May matibay at matatag na rin na pangalan sa industriya ng pageantry si RL dahil bukod kay Anna, ilang Pilipina na rin ang dumaan sa ilalim ng kanyang pagsasanay katulad na rin nina Miss Universe Philippines 2021 Tourism Katrina Dimaranan at Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano.

Kapag sinabing “world-class” ang husay, hindi nagbibiro si RL dahil hindi si Anna ang kauna-unahang international beauty queen ang sinanay nito. Sumailalim rin sa kanya sina Miss Supranational 2019 Anntonia Porsild mula sa Thailand, Miss Universe Chile 2021 Antonia Figueroa, Miss Universe Japan 2019 second runner-up Yuki Sonada, at Miss Universe Thailand 2019 Paweensuda Drouin.

Kasalukuyan nang dumadaan sa matinding training si Anna sa patnubay ni RL para i-representa ang Thailand sa international pageant.

Wala pang opisyal na pahayag ang MU hinggil sa kung saan gaganapin ang tinaguriang “most beautiful day in the universe.”

Samantala, simula 2023, tatanggapin na ng Miss Universe Organization ang mga delagadang dati o kasalukuyang may-asawa, buntis, o isa nang ganap na ina.

BASAHIN: Miss Universe, bubuksan na maging sa kababaihang buntis, may anak, asawa

Ito ang ulat na ipinabatid ng pageant community Missosology nitong Sabado, kaugnay sa isang email na ipinadala sa mga national director.

“Effective the 72nd Miss Universe and national preliminary competition leading up to it, women who are or have been married, as well as women who are pregnant or have children, will be able to compete,” mababasa sa nasabing abiso.

Tags: Miss Universe ThailandRL Lacanienta
Previous Post

Bebot sa Malabon, ginahasa sa sariling tahanan, patay!

Next Post

Kakai Bautista, ibinahagi ang mga awrahang mala- ‘bold star’

Next Post
Kakai Bautista, ibinahagi ang mga awrahang mala- ‘bold star’

Kakai Bautista, ibinahagi ang mga awrahang mala- 'bold star'

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.