• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

‘3 photos for P100’: Mababang singil ng isang photographer sa isang parke, trending!

Angelo Sanchez by Angelo Sanchez
August 22, 2022
in Features
0
‘3 photos for P100’: Mababang singil ng isang photographer sa isang parke, trending!

Mga larawan: Rafaella Sta Ana/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

‘We keep this love in a photograph‘

Na-miss mo na rin ba ang “old times” na kung saan ay kumukuha kayo ng larawan ng mga mahal mo sa buhay at pinapa-print ito? Ito ang hatid ng isang traditional photographer sa isang parke matapos mag-alok na kumuha ng larawan kasama na rin ang print nito sa halagang P100 lamang.

Sa Facebook post ng isang netizen na si Rafaella Sta Ana, sinabi nito na ang alok ng photographer na si Lolo Celde Salvacion ay tatlong larawan kasama print ay nagkakahalagang P100 lamang.

Pagbabahagi ni Sta Ana, dinala niya ang kanyang mga pamangkin sa isang parke upang magpahangin at maglakad-lakad nang nilapitan sila ni Lolo Celde at tanungin kung nais daw ba nila magpakuha ng litrato.

“Seeing him, Super tanda na ni lolo. Kaya G!!! Sabi niya araw araw siyang nasa park para mag bakasakali na makapag-income pa siya. Grabe medj naawa ako ksi promise tanda na ni lolo,” ani Sta Ana.

Dagdag pa niya, sobrang bait ni Lolo Celde dahil mahinahon nitong inantay na magpakabait ang mga kasama niyang bata bago sila kuhaan ng larawan.

“Super bilis lang, 3 shots tapos papaprint niya lang ng saglit. In my case kanina, nag bayad nako agad, tas hinintay lang namin sya while lakad lakad, bumalik naman siya agad Wala pong cp si lolo, kaya abangan nyo nalang sya. Sa may perfect image lang naman sya nagpapaprint,” pagku-kwento ni Sta Ana.

Lalo pa siyang na-touch sa ngiti ni Lolo Celde nang iabot na nito ang mga litrato at nang sinabihan sila na bumalik sila sa parke para umulit.

“Kaya guys, if nasa Gensan Plaza/Park kayo na area, baka bet niyo rin magpapic kay LOLO CELDE SALVACION, ganda ng quality ng prints nya. 3 big photo prints na yan 100 lang! Matutulungan and mapapasaya niyo pa si lolo PS marami po silang mga traditional photographers sa park, sana mas marami pang magpapicture sa kanilang lahat,” paghihikayat ni Sta Ana.

Previous Post

Tone-toneladang ‘puslit’ na bigas, asukal nabisto sa Caloocan –Malacañang

Next Post

Bebot sa Malabon, ginahasa sa sariling tahanan, patay!

Next Post
Bebot sa Malabon, ginahasa sa sariling tahanan, patay!

Bebot sa Malabon, ginahasa sa sariling tahanan, patay!

Broom Broom Balita

  • Maguindanao Del Norte, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
  • Panahon ng tag-init, simula na sa bansa – PAGASA
  • Proteksyon laban sa cybercrimes schemes, pinagtibay!
  • LA Tenorio, na-diagnose ng Stage 3 colon cancer
  • Lalaki, napatay umano ng kainumang nakaalitan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.