• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘We are very sorry!’ DSWD Sec Erwin Tulfo, humingi ng dispensa dahil sa aberya kaugnay ng ayuda

Richard de Leon by Richard de Leon
August 21, 2022
in Balita, National / Metro
0
‘We are very sorry!’ DSWD Sec Erwin Tulfo, humingi ng dispensa dahil sa aberya kaugnay ng ayuda

DSWD Secretary Erwin Tulfo (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Humingi ng paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa naging aberya sa pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral na nangangailangan, na tatagal hanggang Setyembre 24, at ipamamahagi kada Sabado.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga tao, at may ilang nagka-stampede pa, hindi nabigyan ang lahat. Kaya naman, humingi ng paumanhin si Tulfo sa mga nangyari.

“WE ARE VERY SORRY…” pahayag ni Tulfo sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Agosto 20.

“Sa mga galit po sa amin ngayon dahil hindi po namin natulungan today…ang amin pong taos-pusong paumanhin. WE WILL DO BETTER NEXT SATURDAY AT SA DARATING NA LIMANG SABADO.”

Sinabi ni Tulfo na ang nakikita nilang solusyon ay makipagtulugan sa mga local government unit upang maipamahagi ang mga ayuda.

“Ang amin pong nakikitang solusyon…ILALAPIT na po namin sa inyo ang educational assistance sa tulong po ng mga taga-City Hall at munisipyo na malapit sa inyong tirahan.”

“WAG po kayong mag-alala dahil ang DSWD pa rin po ang mamimili ng mga benepisyaryo para maiwasan ang palakasan, kapit, at padrino. Katuwang na rin po namin ang DILG sa proyektong ito.”

“At sa mga nabigyan na po ng stub at pina-fill up na ng form today, tatawag o magtext po kami para sa iskedyul kung kailan ibibigay namin ang inyong educational assistance mula Lunes hanggang Biyernes next week sa mga DSWD offices namin.
SO SORRY PO ULI….”

Ngayong Linggo, Agosto 21, muling nagbigay ng update si Tulfo tungkol sa mga natulungan ng DSWD sa kanilang isinagawang pamamahagi ng cash assistance. Umabot umano sa ₱141M ang naipamahaging tulong sa mga deserving na mag-aaral.

“As of August 21, 3:00 am final report po sa akin nationwide.”

“48,000 (Both online applicants at walk in) ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational assistance program ng DSWD.”

“Umabot po sa 141 million ang naipamigay kahapon sa mga estudyante sa buong bansa.”

“SA MGA DARATING NA SABADO, KATUWANG NA NAMIN ANG DILG AT MGA LGU. MAGTUTUNGO NA PO ANG DSWD SA INYO AT ANG PAYOUT AY GAGAWIN NA NAMIN SA MGA LUNGSOD AT BAYAN PO NINYO.”

“BABAWI PO KAMI NEXT SATURDAY.”

“SORRY PO ULI…” muling paghingi ng paumanhin ni Tulfo.

Tags: DSWD Secretary Erwin Tulfoeducational assistance
Previous Post

‘Natulog lang kami!’ Mister, kinompronta ang misis na may kasamang lalaki sa isang lodging house

Next Post

‘Lee Joon-Gi,’ susubaybayan ang PH adaptation ng ‘Flower of Evil’

Next Post
‘Lee Joon-Gi,’ susubaybayan ang PH adaptation ng ‘Flower of Evil’

'Lee Joon-Gi,' susubaybayan ang PH adaptation ng 'Flower of Evil'

Broom Broom Balita

  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
  • DSWD: Ayuda para sa mga apektado ng oil spill sa Antique, tuloy pa rin
  • Mayor Vico, binisita ang mga pamilyang nasunugan sa Pasig
  • Pag-aari ni ex-Gov. Teves? 10 baril, mga bala nasamsam sa ni-raid na sugar mill sa Negros Oriental
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.