• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Sharon, emosyunal sa tribute ng ASAP kay Cherie: ‘Thank you for your contributions to the film industry’

Richard de Leon by Richard de Leon
August 21, 2022
in Showbiz atbp.
0
Sharon, emosyunal sa tribute ng ASAP kay Cherie: ‘Thank you for your contributions to the film industry’

Sharon Cuneta, Cherie Gil, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez (Screengrab mula sa YT Channel ng ABS-CBN Entertainment)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagbigay ng pagpupugay ang musical noontime show na “ASAP Natin ‘To” para sa yumaong “La Primera Contravida” na si Cherie Gil, Agosto 21.

Inawit nina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang ilan sa mga awiting tumatak sa mga iconic movies nito.

Kasama rin sa tribute ang kaibigan ni Cherie na si Megastar Sharon Cuneta, na emosyunal na inawit ang “Bituing Walang Ningning”, na naging soundtrack ng kanilang iconic movie. Dito nagmula ang walang kamatayang linyahang “You’re nothing, but a second rate, trying hard, copycat!”

Pagkatapos na pagkatapos kumanta ni Shawie ay agad siyang niyakap nang mahigpit nina Zsa Zsa at Regine.

Malalim umano ang kanilang samahan dahil mga bata pa lamang sila ay magkakilala na sila, bago pa man sumabak sa showbiz. Naging magkasama sila sa isang Glee Club sa paaralan kung saan si Cherie umano ang naging presidente.

Mahal na mahal daw niya si Cherie at hindi niya hahayaang mabura sa kasaysayan at makalimutan ng mga tao ang isang kagaya ni Cherie. Pakiramdam umano ng Megastar, kalahati ng kaniyang showbiz career ay nawala dahil sa paglisan ng kaniyang kaibigan. Naging malaki umano ang kontribusyon ni Cherie sa kung ano ang narating ng kaniyang showbiz career.

“Thank you for your contributions to the film industry,” lumuluhang pasasalamat ni Shawie.

Nalaman daw niyang may sakit si Cherie dahil sa kapatid nitong aktor na si Michael De Mesa, nang i-welcome siya ng cast members ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ASAP.

Matatandaang bago pumanaw ang aktres ay nakausap at nakasama pa ito ng Megastar sa Amerika. Para na raw niyang kapamilya si Cherie kaya masakit para sa kaniya ang pagyao nito.

Basahin:

https://balita.net.ph/2022/08/06/sharon-labis-ang-pamimighati-sa-pagkamatay-ni-cherie-i-will-love-you-with-all-my-heart-forever/

Tags: cherie gilLa Primera Contravidasharon cuneta
Previous Post

Mga estudyanteng nabigyan ng ayuda ng DSWD, umabot sa 48K; ₱141M ang nagugol—Tulfo

Next Post

Loisa Andalio, wala raw ipinaretoke sa katawan; hindi rin tutol sa mga nagpapa-enhance

Next Post
Loisa Andalio, wala raw ipinaretoke sa katawan; hindi rin tutol sa mga nagpapa-enhance

Loisa Andalio, wala raw ipinaretoke sa katawan; hindi rin tutol sa mga nagpapa-enhance

Broom Broom Balita

  • Jackpot prize ng Grand, Mega Lotto nitong Miyerkules ng gabi, naging mailap pa rin
  • Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng ‘Mga Lihim ni Urduja’
  • Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’
  • Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie
  • NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.