• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

John Arcilla, may bagong teleserye; ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, may book 2?

Richard de Leon by Richard de Leon
August 17, 2022
in Showbiz atbp.
0
John Arcilla, may bagong teleserye; ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, may book 2?

Ginawang poster ng FPJ's Ang Probinsyano season 2 (unofficial), John Arcilla, Coco Martin, Julia Montes, Carlo Katigbak, Cory Vidanes, at iba pa (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsagawa ng thanksgiving party ang ilang ABS-CBN at Dreamscape executives kasama ang cast ng katatapos lamang na “FPJ’s Ang Probinsyano” na itinuturing na pinakamahabang teleserye sa kasaysayan ng Philippine television.

Tinaguriang “Pambansang Pagtatapos” ang naturang finale na tinutukan ng mga manonood at nag-trending sa social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/

Isa sa mga nagmarkang aktor sa naturang serye ay si John Arcilla na gumanap na “Renato Hipolito” na talaga namang pinag-usapan ang mga huling linyahan sa finale episode ng teleserye.

“Akin ang Pilipinas… ako ang Pangulo ng Bagong Pilipinas!” makabagbag-damdaming pahayag ni Hipolito bago malagutan ng hininga.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/linyahan-ni-john-arcilla-sa-ang-probinsyano-usap-usapan/

Dahil sa masyadong epektibong pagganap, inamin ni John na marami siyang natatanggap na death threats.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/12/john-arcilla-pinagbabantaan-ng-mga-gigil-na-gigil-na-netizen-dahil-sa-role-niya-sa-ang-probinsyano/

Maraming nagsasabing simboliko raw ang mga naturang pahayag, batay sa kasalukuyang mga pangyayari sa Pilipinas.

Ibinahagi ni John sa kaniyang Instagram ang mga litrato nila ni Coco Martin at ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak, sa naganap na thanksgiving party. Dito ay nagpahaging si John na may bagong aabangang serye sa kaniya.

“Ang Probinsyano THANKSGIVING party with the Bosses. Thank you for the 7 years and God bless everyone! See you on my next Serye! Maraming-maraming salamat po. Hipolito signing off. God bless us all!” ani John.

View this post on Instagram

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)

Samantala, natanong naman si Coco Martin sa isang panayam kung ano ang susunod niyang proyekto. Maingay kasi ang mga tsikang remake ulit ng isa sa mga pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr. ang muli niyang bubuhayin sa telebisyon. Nauna nang naibalita na ito raw ay “Batang Quiapo”.

Aniya, wala pa umanong nailalatag sa kaniya ang mga ABS-CBN bosses.

“Honestly, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh, or pag-usapan o pag-meetingan,” ani Coco.

“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next,” dagdag niya.

“Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yun. Pero, para sa akin, management ang magdedesisyon. Kasi para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood,” sabi pa ng aktor.

Hindi rin sigurado kung magkaka-book 2 pa ang FPJ’s Ang Probinsyano lalo’t maraming nananawagang ipagpatuloy ito. Buhay pa naman daw ang mga karakter nina President Oscar Hidalgo (Rowell Santiago), Aurora (Sharon Cuneta), at ang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay (Coco Martin) na si Mara (Julia Montes).

Pabirong kumakalat sa social media ang ginawang poster para sa season 2 ng mga tagahanga ng naturang serye.

May be an image of 3 people, motorcycle and text
Larawan mula sa FB
Tags: Cardo Dalisaycoco martinFPJ’s Ang ProbinsyanoJohn Arcillaseason 2
Previous Post

State of public health emergency, ‘di pa babawiin — Marcos

Next Post

Associate Justice Leonen, may pinasasaringan? ‘To be poor is not something to celebrate by the rich’

Next Post
Associate Justice Leonen, may pinasasaringan? ‘To be poor is not something to celebrate by the rich’

Associate Justice Leonen, may pinasasaringan? 'To be poor is not something to celebrate by the rich'

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.