• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

Richard de Leon by Richard de Leon
August 16, 2022
in Showbiz atbp.
0
Herlene Budol, proud sa sagot tungkol sa history kahit kinuyog ng iba’t ibang reaksiyon

Herlene Budol (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kahit inulan ng iba’t ibang reaksiyon at komento tungkol sa kaniyang naging pahayag ukol sa kasaysayan, ipinagmamalaki pa rin ito ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner up Herlene “Hipon Girl” Budol, matapos sumalang sa pa-Q&A ni Karen Davila sa vlog nito.

Kinontra ni Hipon Girl ang kontrobersyal na pahayag ni “Maid in Malacañang” actress Ella Cruz tungkol sa “history is like tsismis”.

Sa latest vlog ni Karen, muli niyang dinalaw at itinampok ang Binibining Pilipinas 1st Runner up matapos ang tagumpay nito sa naturang beauty pageant. Nag-house tour si Herlene sa bago niyang bahay na regalo sa kaniya ng talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matapos nito ay nagsagawa ng “Q&A” si Karen kay Herlene. Isa nga sa mga naitanong ni Karen ay kung ang kasaysayan ba ay kagaya ng tsismis.

“No,” matigas na sagot ni Herlene. “Para sa akin po, napakasimple lang po, huwag po nating daanin sa kung ano-anong explanation… ang history po is katotohanan, ang Marites, hindi totoo… para sa akin nga, ang mga historian mga teacher na nagtuturo ng mga kasaysayan. Ang Marites, parang CCTV, social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-kinontra-si-ella-cruz-tungkol-sa-history-is-like-tsismis/

Sinagot din niya ang iba’t ibang isyu gaya ng diborsyo, same-sex marriage, at abortion.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-aprub-sa-diborsyo-same-sex-marriage-di-pabor-sa-abortion/

Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen na tila hindi pabor sa kaniyang sinabi at “pakikisawsaw” sa isyu lalo’t nasa spotlight na siya ngayon dahil sa katatapos na beauty pageant stint.

“Ngayon ka pa lang nagniningning, baka gusto mong mawalan kaagad ng kinang. Sana huwag ka na lang nakikialam.”

“Mas mabuti pa ito kaysa kay Ella eh.”

“Hayan, sumawsaw na naman ang isang starlet sa kasikatan ng MiM.”

“Deserve ang crown! Congrats, Hipon Girl!”

“Rume-relevant. Kasaysayan ng mapagpatol na beaucon na gustong magka-career, baka papasimula ka pa lang eh lumagapak ka na.”

“Herlene Hipon Girl is > than Ella Cruz.”

“Naku Hipon Girl, huwag ka na sana makisawsaw sa politika.”

“Don’t mind the bashers. Tama ‘yan.”

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman alintana ni Hipon Girl ang mga negatibong komento dahil sa kaniyang nasabi. Sa katunayan, ibinahagi pa niya ang pubmats ng kaniyang naging pahayag, na ibinalita ng ibang pahayagan.

Tags: Ella CruzHerlene Budolhistorytsismis
Previous Post

2 PBA players, naidagdag sa training pool ng Gilas Pilipinas

Next Post

Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

Next Post
Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, ‘inuna pa kalandian’ ng bashers

Rita Gaviola, emosyunal; tinalakang sinayang ang career, 'inuna pa kalandian' ng bashers

Broom Broom Balita

  • 21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis
  • LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’
  • 19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women
  • Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’
  • UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’
Pari na sangkot sa sexual abuse sa mga menor de edad, sinibak ni Pope Francis

21 Cardinal, hihirangin ni Pope Francis

September 29, 2023
LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

LPA sa silangan ng Central Luzon, ganap nang bagyong ‘Jenny’

September 29, 2023
19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

19th Asian Games: Hong Kong, nilampaso ng Gilas Women

September 29, 2023
Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

Revilla hiniling sa OP na isaalang-alang ang ‘no work-no pay’ employees ng ‘It’s Showtime’

September 29, 2023
UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

UPLB Dibisyon ng Kasaysayan, umalma nang ilista ang ‘Philippine History’ bilang ‘NPA subject’

September 29, 2023
₱250M confidential funds, orihinal na hiling ng OVP noong 2022

₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

September 29, 2023
Niño Muhlach, may iba pang anak bukod kina Sandro, Alonzo

Niño Muhlach, may iba pang anak bukod kina Sandro, Alonzo

September 29, 2023
Ryan Bang nag-sorry kay Annette Gozon: ‘Pasensya na po boss’

Ryan Bang nag-sorry kay Annette Gozon: ‘Pasensya na po boss’

September 29, 2023
‘Food Stamp’ inilunsad ni Marcos sa Siargao Island

‘Food Stamp’ inilunsad ni Marcos sa Siargao Island

September 29, 2023
Vice Ganda nakorner si Kim Chiu sa usaping ‘closure’

Vice Ganda nakorner si Kim Chiu sa usaping ‘closure’

September 29, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.