• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga aklat na ipinalimbag ng KWF, subersibo? Punong Komisyoner Arthur Casanova, tumugon

Richard de Leon by Richard de Leon
August 13, 2022
in Balita, National, National / Metro
0
Mga aklat na ipinalimbag ng KWF, subersibo? Punong Komisyoner Arthur Casanova, tumugon

Komisyon sa Wikang Filipino logo at Arthur Casanova (Larawan mula sa FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ang pagpapahinto ng “Komisyon sa Wikang Filipino” sa pagpapa-imprenta at pagbebenta ng ilang mga aklat sa sirkulasyon dahil umano sa “subersibo” nitong nilalaman.

No photo description available.
Larawan mula sa Komisyon ng Wikang Filipino
No photo description available.
Larawan mula sa Komisyon ng Wikang Filipino

Sa isang memorandum na naipalabas noong Agosto 9, ginamit na batayan dito ang Article 9 of RA 11479 ng Anti-Terrorism Act.

Ilan sa mga aklat na tinukoy ay ang “Teatro Politikal Dos” ni Malou Jacob, “Kalatas: Mga Kuwentong Bayan at Kuwentong Buhay” ni Rommel Rodriguez, “Ang Bayan, ang Manunulat, at ang Magasing Sagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar 1975-1979” ni Dexter Cayanes, “May Hadlang ang Umaga” ni Don Pagusara, “Labas: Mga Palabas sa Labas ng Sentro” ni Reuel Aguila, at “Tawid-diwa sa Pananagisag” ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera.

Ayon sa komisyoner ng wikang Ilocano na si Benjamin Mendillo, Jr, ang mga manunulat ng naturang aklat ay nag-sitas mula sa mga aklat ng komunista. Batay naman sa panig ng konseho ng KWF, napahintulutan umano ang pagpapalimbag at pagpapalathala nito dahil sa Punong Komisyoner ng KWF na si Arthur Casanova.

“We, the board of Commissioners, would like to report to your good office the books with subversive themes, explicit Anti-Marcos and Anti-Duterte contents, publications of which were authorized by Chairman of KWF Arthur P. Casanova,” anila.

No photo description available.
Larawan mula sa Komisyon sa Wikang Filipino

Kinondena naman ni Casanova ang umano’y “red-tagging” sa mga aklat na ito.

“Bilang tugon sa mga alegasyon/paratang na kumakalat sa mga balita ng midya at online na ako bilang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay hinayaang malimbag ang subersibong materyal at hinayaang makapasok ang diumano ay mga miyembro ng CPP-NPA sa KWF, itinatanggi ko ang lahat ng paratang.”

“Sa ikaliliwanag ng isyu at upang itaas ang level ng diskurso, ito ang aking paglilinaw.”

“Una, ang mga librong pinaratangang subersibo ay dumaan sa pamamagitan ng proseso ng pagsusuri ng KWF. Ang lahat ng libro ay karaniwang sumasailalim sa pagsusuri at pumasa sa KWF-Yunit ng Publikasyon na nasa ilalim ng Sangay ng Edukasyon at Networking na pinamumunuan ni G. Jomar I. Cañega, kabilang ang pagtanggap ng imprimatur/pahintulot nina Komisyoner Benjamin M. Mendillo, Jr. at Komisyoner Carmelita C. Abdurahman.”

“Maliwanag na hindi ko kailanman ni-railroad o pinuwersa ang publikasyon. Sa katunayan, sina Komisyoner Mendillo at kaniyang mga kasama ang tahasang lumalabag sa prosesong itinatakda ng Batas Republika Bilang 7104, ng binagong mga Tuntunin at Regulasyong Nagpapatupad nito, at iba pang proseso ng KWF.”

“Pangalawa, nang unang ipabatid sa akin na may manuskritong subersibo, kagyat akong naglabas ng kautusan upang ipahinto ang paglilimbag at mapag-aralan ang mga ito. Ang KWF ang siyang dapat na manguna sa pagsisikap na mapaunlad ang ating wika. Salungat sa mga mapanlinlang na akusasyon, hindi lamang limitado ang KWF sa paglilimbag ng mga diksiyonaryo at mga lingguwistikong teknikal na mga materyales. Bagkus, kami ay inatasang magpaunlad at linangin/pagyamanin ang wikang Filipino.”

“Pangatlo, ang akusasyong subersibo ang mga naturang libro ay mapanganib na yumuyurak sa kalayaan ng malayang pamamahayag at akademikong kalayaan. Nais kong idiin na ang akusasyon ay ibinabato ng mga pribadong indibidwal sa tulong ng ilang mga komisyoner ng KWF na may pending na kaso na isinampa ko at ni Rebecca T. Añonuevo upang linisin ang kredibilidad ng KWF.”

“Ang akusasyon sa akin at kay Rebecca T. Añonuevo ay malinaw na retalyasyon lamang sa mga nabanggit na kaso. Taliwas sa impresyong nais iparating ng may-akda ng mga malisyosong akusasyon, ang red tagging sa akin at sa mga manunulat ay hindi mula sa ating pamahalaan. Ito ay aksiyon lamang ng mga nasabing pribadong tao at ilang komisyoner ng KWF na may mapaminsalang hangarin.”

“Sa panghuli, sa pananalita ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pundasyong pangwika ng ating bayan ay kailangang patatagin/palakasin dahil ito ay may mahalagang gampanin sa pagdevelop ng ating kultura sa gitna ng makabagong panahon. Nakalulungkot na ang mga alegasyong ito na walang katotohanan at walang basehan, ay ginagamit ng ilang taong nagtutulak ng kanilang personal na mga adyenda. Ito ang pinakabagong serye ng mga aksiyon na nakatuon laban sa akin para sirain ang aking pagkatao at harangin ang mga gawain para patatagin/palakasin at linisin ang KWF.”

“Sa ngalan ng transparency, mabuting pamamahala, at upang mabalanse ang isyu ng malayang pamamahayag, kredibilidad at kalipikasyon ng ilang Komisyoner, at red tagging ng mga pribadong tao, ako ay nakahandang humarap sa kung anumang imbestigasyon sa tamang forum, maging ito man ay sa pamamagitan ng isang Congressional Inquiry, o sa Opisina ng Pangulo na kung saan ang KWF ay bahagi.”

“Tinatawagan ko ang mga awtoridad, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at ang Anti-Terrorism Council, na imbestigahan ang mga paratang na ito upang kanilang makitang ito ay walang batayan at malisyoso,” ayon sa Punong Komisyoner.

Samantala, marami sa mga manunulat, dalubwika,, iskolar at organisasyong pangwika ang nanindigan sa panig ni Casanova at kinokondena ang naging “red-tagging” sa mga babasahin at aklat na ito. Nalungkot sila na nangyayari ang mga ito sa mismong pagdiriwang pa naman ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.

Tags: Arthur CasanovaKomisyon sa Wikang Filipino (KWF)subersibo
Previous Post

50M Nat’l ID cards, target ipamahagi ngayong 2022 — PSA

Next Post

Halos ₱9M puslit na sigarilyo, kumpiskado sa Zamboanga City

Next Post
Halos ₱9M puslit na sigarilyo, kumpiskado sa Zamboanga City

Halos ₱9M puslit na sigarilyo, kumpiskado sa Zamboanga City

Broom Broom Balita

  • ‘Pinagbebenta ng tiket?’ Lead vocalist ng bandang Lily, dismayado raw kay Rendon
  • Patay sa nasunog na barko sa Basilan, 12 na!
  • 1 patay, 4 na-rescue sa nasunog na barko sa Basilan
  • Taga-Tondo, wagi ng ₱34.1M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55
  • Oil slicks mula sa MT Princess Empress, patungo sa Naujan, Pola sa Oriental Mindoro – UP expert
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.