• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Richard de Leon by Richard de Leon
August 13, 2022
in Features
0
Anak, binigyan ng sertipiko ang ama; sumubaybay sa FPJ’s Ang Probinsyano mula day 1 hanggang wakas

Jan at Jaime Gutierrez (Larawan mula kay Jan Guetierrez)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Trending sa social media ang finale episode ng longest-running teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na tinutukan ng mga manonood sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, at iba pang social media platforms ng ABS-CBN.

Pitong taong umaksyon sa telebisyon ang naturang serye na idinerehe ng mismong bida nitong si Coco Martin bilang si “Ricardo Dalisay”. Dahil dito, tinawag ang finale nitong “Ang Pambansang Pagtatapos”. May hashtag itong #FPJAP7MissionAccomplished.

Pumalo sa higit 500K ang concurrent views ng serye sa YouTube channel pa lamang ng Kapamilya Online Live, at walang humpay ang tweets at social media posts hinggil sa serye, patunay na nakatutok ang mga manonood lalo na ang mga sumubaybay simula day 1 nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/13/first-lady-shawie-tribute-kay-susan-pagbulaga-ni-julia-mga-eksena-sa-finale-ng-fpjs-ang-probinsyano/

At speaking of avid viewer mula day 1, ginawaran ng netizen na si Jan Gutierrez, 33, mula sa Los Baños, Laguna, ang kaniyang amang si Mang Jaime A. Gutierrez, 68 anyos, dahil sa pagsubaybay nito sa longest-running teleserye, na nagsimula noong Setyembre 2015.

“Congratulations, Papa! For successfully completing all episodes of ‘Ang Probinsyano’. Dasurv mo ang Certificate of Completion. Haha!” ani Jan sa kaniyang Facebook post, Biyernes ng gabi, Agosto 12. Kalakip nito ang litrato ni Mang Jaime habang bitbit ang sertipiko, at background naman ang kanilang telebisyon habang nanonood ng finale episode sa A2Z Channel 11.

Habang isinusulat ito, umabot na sa 1.3K shares ang naturang Facebook post.

Batay sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Jan, isang retiradong sundalo ang kaniyang ama, kaya relate na relate ito sa kuwento ni Ricardo Dalisay.

Wala raw mintis ang kaniyang Papa sa pagsubaybay sa naturang serye na inabot ng pitong taon.

“Nasubaybayan po nya. Present po sa lahat ng episodes. Relatable po sa kaniya yung ibang episodes sa series,” saad ni Jan.

Idolo raw ni Coco Martin (Cardo Dalisay) ang kaniyang tatay, at kung mabibigyan ng pagkakataon, nais nitong makaharap at makadaupang-palad ang direktor-bida.

Apektado umano si Mang Jaime sa unti-unting pagkalagas ng mga miyembro ng Task Force Agila hanggang sa, si Cardo na lamang ang natira. Tila naalala raw niya ang kaniyang karanasan noong nasa tungkulin pa siya, kung saan na-ambush sila ng ilang miyembro ng New People’s Army o NPA at siya lamang daw ang pinalad na nakaligtas.

“May encounter na po siya sa mga NPA. Actually, na-ambush po yung group nila sa bundok. Siya lang po ang naka-survive.”

“Nasesepanx (separation anxiety) po si Papa. Wala na raw siya mapapanood,” kuwento ni Jan, dahil nagtapos na nga ang serye.

Panawagan pa ni Mang Jaime para kay Coco at sa ABS-CBN, “Sana may susunod pa na palabas si Coco Martin. Susuportahan daw po ulit sila ni Papa.”

Jaime at Jan Gutierrez (Larawan mula kay Jan Gutierrez)

Umere ang FPJ’s Ang Probinsyano simula Setyembre 28, 2015 hanggang Agosto 12, 2022. Susunod namang lilipad sa Primetime Bida ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” ni Jane De Leon.

Tags: avid fanavid viewerJaime GutierrezJan Gutierrez
Previous Post

‘Katips,’ ‘Maid in Malacañang’ magtatapat din sa UAE?

Next Post

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Next Post
Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Herlene, aminadong maaaring ‘for the traffic’ ang naging sagot sa Q&A kung ‘di naisalin sa Tagalog

Broom Broom Balita

  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
  • Hontiveros, Pangilinan, nakipagpulong sa onion farmers sa Occidental Mindoro
  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.