• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
August 10, 2022
in Balita, National / Metro
0
Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

screenshot: Manila Bulletin/YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iminungkahi ni Senador Robin Padilla ang ropeway o aerial cable cars bilang tugon sa problema sa trapiko, lalo na sa Metro Manila.

Ginawa ng senador ang pahayag sa plenary session noong Martes, Agosto 9, matapos manawagan si Senador JV Ejercito kung paano mapapabuti ang railway system ng bansa.

Sa paunang pahayag ni Padilla, sinabi niyang hindi umano uunlad ang bansa kung ang trapik ay masama.

“Noong ako ay nasa first year ng Criminology, pinagusapan po namin ang trapik. ‘Yan ang isa sa mga subject diyan na sinabi doon na kapag ang trapik natin ay masama, ang pag-unlad ng isang bansa ay masama din,” aniya.

“Kaya nangangahulugan kailangan natin ayusin ang trapik. At maaayos lamang ‘yan kung may magandang transportasyon,” dagdag pa niya.

Sa gayon, iminungkahi ng baguhang senador ang paggamit ng ropeway o cable car sa Pilipinas dahil ito raw ay nauuso sa ibang bansa.

“Ngayon lang po, gusto ko lamang pong imungkahi sa ating mahal na senador [Ejercito] sa San Juan, meron pong isang nauuso din ngayon na kung tawagin po nila ngayon ay ropeway. Ito po ‘yung paggamit ng cable,”  saad ni Padilla.

“Nais ko rin po sana na imungkahi po sa inyo na ito po ay bagay din sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Metro Manila, dahil sa traffic. Ito po ’yung mga cable car,” dagdag pa niya. 

Tags: Senador Robin Padilla
Previous Post

Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers

Next Post

Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

Next Post
Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.