• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Pagtaas ng Covid-19 cases sa pagbabalik ng F2F classes, posible!

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 9, 2022
in Balita, National / Metro
0
Metro Manila, ‘prime candidate’ para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes — CHED

(ALI VICOY / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naniniwala si OCTA Research fellow Dr. Guido David na ‘very possible’ o malaki ang posibilidad na tumaas ang mga naitatalang bagong kaso ng Covid-19 sa bansa, sa sandaling tuluyan nang magbalik ang face-to-face classes sa Nobyembre.

Sa kabila naman nito, kaagad ding nilinaw ni David na hindi niya iminumungkahi na pagbawalan na bumalik sa eskwela ang mga bata, lalo na at mahigit dalawang taon na aniyang sumasailalim ang mga ito sa remote learning bunsod ng Covid-19 pandemic.

Sinabi rin ni David na karaniwan namang asymptomatic lamang o nagkakaroon ng mild infections ang mga bata kahit dapuan sila ng Covid-19 infections.

“We have to set expectations talaga na it’s very possible na magkakaron ng pagtaas ng bilang ng kaso kapag nagbalik sa eskwelahan ang mga bata,” ayon kay David, sa isang panayam sa telebisyon nitong Martes.

“Hindi naman natin sinasabi na ‘wag natin [sila] ibalik sa eskwelahan kasi more than two years na nakakulong sila. Affected ‘yung ating quality of education at ‘yung schooling ng mga bata, ‘yung social life nila so, kailangan ibalik natin,” aniya pa.

Ani David, ang marapat na gawin ay magtakda ng mga protocols hinggil sa air ventilation at physical distancing upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa paaralan.

Dapat rin aniyang tiyaking ang lahat ng mga guro at iba pang school personnel ay bakunado laban sa Covid-19.

Ang School Year 2022-2023 ay una nang itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 22, 2022 hanggang Hulyo 7, 2023.

Ang limang araw naman na face-to-face classes ay sisimulan na sa Nobyembre 2, 2022. 

Tags: COVID-19face-to-face classes
Previous Post

Cardinal Tagle, kabilang sa nangungunang kandidato para pumalit kay Pope Francis

Next Post

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

Next Post
‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

‘Where is SB19?’: A’TIN, may teyorya sa nilulutong pasabog ng P-pop kings

Broom Broom Balita

  • F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na
  • Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary
  • Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’
  • ‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan
  • PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey
54.49% ng mga kumuha ng Physician Licensure Exam, pasado!

F2F oathtaking para sa bagong sanitary engineers, kasado na

September 25, 2023
Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

Escudero, hinikayat si PBBM na magtalaga ng full-time DA secretary

September 25, 2023
Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

Dingdong Dantes, may ibinunyag sa behind-the-scene ng ‘Royal Blood’

September 25, 2023
‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

‘Daddy’s always at my back (pack)!’ Bag ng Grade 5 pupil, kinagiliwan

September 25, 2023
PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

PBBM, dapat unahin ang mga isyu sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

September 25, 2023
Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

Beauty Gonzalez, ‘nakigulo’ sa isang mall sa Cebu

September 25, 2023
Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

Erik Santos, ipagpapatuloy ang legasiyang naiwan ng ama

September 25, 2023
Higit ₱800K halaga ng iligal na droga nasamsam ng Central Luzon police

Higit ₱800K halaga ng iligal na droga nasamsam ng Central Luzon police

September 25, 2023
Sandara Park may ‘reklamo’ sa ABS-CBN

Sandara Park may ‘reklamo’ sa ABS-CBN

September 25, 2023
₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

September 25, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.