• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Darryl Yap, ‘mabuhok’ daw, ayon sa scientific, empirical observation ni Kuya Kim

Richard de Leon by Richard de Leon
August 9, 2022
in Showbiz atbp.
0
Darryl Yap, ‘mabuhok’ daw, ayon sa scientific, empirical observation ni Kuya Kim

Kim Atienza at Darryl Yap (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May “scientific at empirical observation” si GMA trivia master Kuya Kim Atienza patungkol sa kontrobersyal na director at writer ng “Maid in Malacañang” na si Darryl Yap, sa kabila ng maraming mga sinasabing bagay tungkol sa kaniya.

Noong una ay nagbigay-babala siya sa publiko na hindi totoong dean o propesor siya sa paaralang may pangalang “International State College of the Philippines” na isang satirical school page lamang.

“This is a scam, I am not in any way connected to this university if there is one. Be careful FB fam,” seryosong babala ni Kuya Kim sa publiko.

Subalit isang netizen ang nagtuwid at nagbigay-kalinawan sa kaniya, at sinabing isang satire page lamang ito. May mga netizen na biniro siyang wala na raw kasi siya sa “Matanglawin”, ang award-winning educational show ni Kuya Kim sa ABS-CBN noon, bago siya lumipat sa GMA Network at maging ganap na Kapuso.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/kim-atienza-nabiktima-ng-satire-page-this-is-a-scam/

Sa mga sumunod na social media posts ni Kuya Kim ay tila “nahimasmasan” na siya. Niyakap at tinanggap na lamang niya ang birong ito sa kaniya.

“If you can’t beat them, join them. Thank you for the honor. Langya kayo you got me,” sey ni Kuya Kim.

“Congrats on the page. Kelan face to face, I want to meet my students.”

At ang una niyang post tungkol sa pagiging dead/prof ng ‘paaralan’ ay patungkol nga kay Yap. Napa-sana all na lang ang trivia master dahil napansin daw niyang maraming buhok ang direktor.

“To my students in International State College of the Philippines (E-Youth Council). Many things have been said about Direk Darryl Yap. Ang scientific, empirical observation ko lang, ang dami niyang buhok. #sanaol,” aniya.

Bumaha naman ng reaksiyon at komento sa comment section ng kaniyang post.

Ayon sa diksiyonaryo, ang ibig sabihin ng empirical na kadalasang ginagamit na termino sa thesis o iba pang research paper ay, “based on, concerned with, or verifiable by observation or experience rather than theory or pure logic.”

Hindi naman tinukoy ni Kuya Kim kung bakit naisipan niyang biruin o banggitin si Direk Darryl, na ilang buwan nang laman ng mga balita.

Ibinahagi naman ni Yap ang balitang ito at kinomentuhan.

“Wala na kong oras magpagupit Kuya Kim Atienza, di naman ako artista! HAHAHA,” aniya.

Tags: Darryl Yapempirical observationKuya Kim Atienzascientific
Previous Post

Robredo, pinuri, inendorso ang ‘Katips’; ‘Wonderful piece… mahalaga ang mensahe ng pelikula’

Next Post

Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro

Next Post
Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro

Concern o okray? Jobelle Salvador, kinuyog ng mga netizen dahil kay Agot Isidro

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.