• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Dennis Padilla, wish na sana kompleto ang pamilya niya sa b-day, gaya kay Cesar Montano

Richard de Leon by Richard de Leon
August 7, 2022
in Showbiz atbp.
0
Dennis Padilla, wish na sana kompleto ang pamilya niya sa b-day, gaya kay Cesar Montano

Dennis Padilla at family members ni Cesar Montano (Larawan mula sa IG ni Dennis Padilla at Cesar Montano)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng komedyanteng si Dennis Padilla ang litrato ng birthday celebration ng aktor na si Cesar Montano sa kaniyang sariling Instagram account noong Agosto 4, kung saan, makikitang kompleto ang kaniyang mga anak, magmula kay Diego Loyzaga na anak nila ni Teresa Loyzaga, hanggang sa mga dalaga na niyang anak sa estranged wife na si Sunshine Cruz.

“I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you.,” saad ni Cesar sa kaniyang Instagram post noong Agosto 3, 2022. Kalakip nito ang litrato nila ng mga anak.

View this post on Instagram

A post shared by Cesar Montano (@cesarbuboymontano)

Isa sa mga litrato ang inupload ni Dennis sa kaniyang IG post.

“Happiiii b-day Pareng Buboy!! Congrats!! Praying na sana sa b-day ko…,” saad ni Dennis sa kaniyang caption, Naka-tag dito ang mga kaibigang celebrities na sina Randy Santiago, Janno Gibbs, at kay Cesar.

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, lalo na’t hindi pa rin nareresolba ang isyu niya sa mga anak nila ni Marjorie Barretto, sa umano’y madalas niyang pagpaparinig sa kanila sa tuwing may okasyon.

“I think you should refrain from posting something like this. It doesn’t help, it will just irritate them. Do it privately if they still ignore you just let it be and just pray that one day they will reach out to you VOLUNTARILY. Don’t shame them publicly that’s why people bash them and call them INGRATA ETC. Because of you, posting something like this and with that it just adds fuel to the fire. You should also know the root of the problem why your kids are like that to you. Honestly, you should protect them from all the insults they are receiving. I may not know the real problem of the family but I think this one helps. Peace and love. Just my opinion.”

“As a father, your first role is to protect your children. You cannot ask from them what you have not given. The way you reached out to them was all part of publicity.”

“Hayaan mo sir, the right time will come!”

“Manifesting… God will make a way.”

“Maghintay ka ng tamang panahon, yung mga ganiyang post lalo lang mainis sa’yo mga anak mo, mas maganda tahimik na lang darating din ‘yun, ipag-pray mo lang.”

May nagkumpara sa kaniya kay Buboy.

“Iba naman si Buboy sa iyo. He never talked like this your caption he just quiet pero pinagdaanan din n’ya ‘yon. Kung tutuusin mas masakit mga salita ni Diego laban sa kaniya but he never fight back. He just kept quiet and waited for the right time. Para na rin hindi ma-issue ang mga anak. And Buboy sent them to school. Yon ang pagkakaiba n’yo.”

May nagsabi pa na depende raw sa ex at pinaghambing pa sina Sunshine Cruz at Marjorie Barretto.

“Naku sana nga po si Sunshine Cruz super bait ewan ko lang po sa ex wife n’yo.”

“Ay wag ka na po umasa para hindi ka po masaktan. Sa ugali nang mga ‘well-raised’ children mo, it’s too imposible na maalala ka ng mga anak mo sa b-day mo.”

“Wag ka na umasa iba ugali ng ex mo bro sana nga pagsamahin niya anak mo.”

Matatandaang dahil sa isyung ito ay nag-post ang isa sa mga anak niyang si Leon Barretto ng isang open letter para sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/26/leon-sa-amang-si-dennis-is-public-sympathy-really-more-important-than-your-own-children/

Bagay na sinagot naman ni Dennis sa pamamagitan ng open letter din, na kalaunan ay binura na rin naman niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/03/nahimasmasan-dennis-binura-ang-open-letter-sa-mga-anak-tugon-kay-leon/

Sey naman ni Marjorie, darating ang takdang panahong magsasalita at magpapaliwanag siya kung bakit malamig ang pakikitungo ng mga anak sa kanilang ama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/27/marjorie-magsasalita-sa-takdang-panahon-mga-anak-bakit-nga-ba-dinededma-si-dennis/

Ang latest naman, dinedma ng anak niyang si Claudia Barretto ang birthday greetings niya subalit nag-I love you kay Marjorie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/claudia-barretto-tumugon-sa-b-day-message-ni-marjorie-dedma-naman-kay-dennis/

Tapos na ang birthday ni Dennis (Pebrero 9), kaya malay natin, sa susunod na taon ay matupad na ang kaniyang hiling?

Tags: birthdaycesar montanodennis padilla
Previous Post

‘Wala akong balak landiin!’ Paghawak ni CJ Jaravata sa braso ni Doug Kramer sa viral photo, minalisya

Next Post

Maid in Malacañang, may sequel; ‘face reveal’ sa aktor na gaganap bilang ‘Ninoy’, abangan daw

Next Post
Maid in Malacañang, may sequel; ‘face reveal’ sa aktor na gaganap bilang ‘Ninoy’, abangan daw

Maid in Malacañang, may sequel; 'face reveal' sa aktor na gaganap bilang 'Ninoy', abangan daw

Broom Broom Balita

  • Grilled balut, ‘nakalalason’ daw? Alamin ang sagot ng ilang food technologists
  • ‘Kambal’ ni AJ Raval, pinatanggal
  • Mga nagmomotorsiklo, hinuhuli na sa bike lane sa QC
  • France, umaasiste rin sa Mindoro oil spill response ng Pilipinas
  • Kondisyon ni Pope Francis, bumubuti na – Vatican
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.