• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Isang Nigerian, pinaghahanap matapos nakawan ang kapwa Nigerian med student sa Dagupan

Liezle Basa by Liezle Basa
August 6, 2022
in Balita, Probinsya
0
Paghahanap sa nawawalang pulis-Isabela, nagpapatuloy

File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

DAGUPAN CITY, Pangasinan — Naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa isang Nigerian na nagnakaw sa isang medical student, dakong 3:30 ng umaga sa harap ng isang convenience store sa Arellano St., Brgy Pantal.

Ayon sa ulat mula sa tanggapan ni Police Lt. Col. Ferdinand “Bingo” de Asis, Pangasinan Police Provincial Office deputy provincial director for operations, nabatid na bandang 3:30 ng madaling araw, Biyernes, Agosto 5, ang biktimang si Baribolo Vurasi Ndor, 33, Nigerian at medical student, tubong Rivers State, Nigeria at naninirahan sa Cuison Cmpd., Amado St., Tapuac Dist,. Dagupan City, ay ninakawan umano ng suspek na si Emmanuel Divine Victoria Ugochukwa, 37, kasalukuyang naninirahan sa Apt 116, Brgy Mamalao, San Carlos City.

Isinalaysay ng biktima sa Dagupan City Police na dakong 3:30 AM habang pauwi siya nang makasalubong niya ang nasabing suspek at dalawa pang Nigerian na nag-iinuman sa harap ng 7/11 convenience store.

Habang nakikipag-usap ang biktima sa suspek, kinuha nito ang kaniyang SAMSUNG A8 cellular phone na nagkakahalaga ng P17,000.

Hindi pa nakuntento, inimbitahan ng suspek ang biktima sa kabilang kalsada.

Pinalo umano ni Ugochukwa ang biktima ng bote ng beer sa ulo at kinuha ang cash nito sa wallet na aabot sa P36,000.

Inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa suspek para sa referral sa City Prosecutor’s Office, ayon sa PNP.

Tags: dagupanmedical studentnigeria
Previous Post

Istilo ni Luis Manzano sa kaniyang YouTube channel, binara ng isang netizen; host, rumesbak

Next Post

3-anyos na batang babae, pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Nueva Vizcaya

Next Post
3-anyos na batang babae, pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Nueva Vizcaya

3-anyos na batang babae, pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Nueva Vizcaya

Broom Broom Balita

  • Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya
  • Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya
  • 2 empleyado ng Makati LGU, kasabwat ng mga ito, timbog sa iligal na ‘fixing’
  • Smart locker system sa mga istasyon ng LRT-1, ilulunsad ng LRMC ngayong Pebrero
  • 2 most wanted person sa Laguna, nakorner sa magkahiwalay na operasyon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.