• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

DepEd: Nakapagpa-enroll sa SY 2022-2023, mahigit 16M na

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
August 6, 2022
in Balita, National / Metro
0
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

(DepEd / Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ng Department of Education (DepEd) nitong Sabado na umaabot na sa mahigit 16 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nakapagpa-enroll para sa School Year 2022-2023.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) ng DepEd, nabatid na hanggang alas-7:00 ng umaga ng Agosto 5, 2022, ay umaabot na sa kabuuang 16,029,252 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.

Sa naturang bilang, 1,060,138 ang kindergarten; 7,376,586 ang elementary; 5,179,673 ang junior high school at 2,412,855 ang senior high school.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A (Calabarzon) na umabot sa 2,367,246 na sinusundan ng National Capital Region (NCR) na nasa 1,870470, at Region III (Central Luzon) na nasa 1,591,722.

Pinakamababa pa rin ang enrollment sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 182,370 pa lamang.

Anang DepEd, ang enrollment period, na sinimulan noong Hulyo 25, ay magtatapos sa Agosto 22, 2022, na siyang unang araw ng pasukan.

“Tandaan na mayroon tayong tatlong pamamaraan sa pagpapatala: in-person, remote, at dropbox enrollment,” anang DepEd.  “Dagdag pa rito, ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari na ring magpatala nang in-person o digital.”

Paalala pa ng DepEd, sa pagpunta sa mga paaralan, ating panatilihin ang proteksyon ng bawat isa. Huwag kalimutang sundin ang ating mga health and safety protocols. Sama-sama sa ligtas na balik-aral! Magparehistro na sa inyong paaralan!” 

Tags: deped
Previous Post

Ballsy, nilinaw na hindi kailanman naglaro ng mahjong si Pres. Cory noong nasa posisyon pa

Next Post

Myrtle, may payo sa mga single; nagpaalab sa ‘bukaka’ bikini photos

Next Post
Myrtle, may payo sa mga single; nagpaalab sa ‘bukaka’ bikini photos

Myrtle, may payo sa mga single; nagpaalab sa 'bukaka' bikini photos

Broom Broom Balita

  • ‘A new home they deserve’: Dalawang asong namatayan ng fur parent, ni-rescue na
  • OCTA fellow: Nationwide Covid-19 positivity rate, bumulusok sa 1.7% na lamang
  • Cagayan, niyanig ng Magnitude 4 na lindol
  • DOH, nagbabala laban sa frozen eggs; puwede raw maging sanhi ng food poisoining
  • Paglilinaw ng Tingog Party List: Bamboo, ‘guest performer’ lang, ‘di nila tagasuporta o endorser
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.