• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Darryl Yap, sinagot si Xiao Chua: ‘Di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
August 6, 2022
in Balita, National / Metro, Showbiz atbp.
0
Historian Xiao Chua kay Darryl Yap: ‘I will give my middle finger to you’

Photo courtesy: Xiao Chua (Twitter) and Darryl Yap (Facebook)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinagot ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap ang patutsada ng public historian na si Xiao Chua. 

“Magandang Araw po. Ako rin po, ordinaryong tao rin,” paunang sabi ni Yap sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Agosto 5.

“Nakarating po itong generous offer n’yo sa’kin, kakacheck ko lang, mukhang ‘di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko— kung wala po kayong mapaglagyan n’yan… may suggestion po ako saan n’yo pwedeng itusok ‘yan—with whatever little power you have,” banat ng direktor na tila literal niyang sinagot ang pahayag ni Chua.


Noong Huwebes, pinatutsadahan ni Chua si Yap dahil sa naging pahayag nito na hindi siya naniniwalang dapat maging propesyon ang pagiging historian.

“Being a historian SHOULD not be a profession?” panimula ni Chua sa kaniyang tweet nitong Huwebes, Agosto 4.

“I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” dagdag pa niya.

Nangyari ang pahayag niyang ito matapos ang umere ang panayam ni Yap sa YouTube channel ni Boy Abunda.

“Sa tingin ko, lahat ng tao naman ay historian eh. Sa palagay ko, lahat tayo, may pinanghahawakan sa kasaysayan, at may iba-iba tayong tingin sa kasaysayan. Hindi kayang ikulong ng libro o ng isang panulat o ng isang historian ang sa palagay mo’y nangyari,” ani Yap.

Hindi naniniwala ang direktor na dapat maging propesyon ang pagiging historian.

“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap.

“Kasi lahat ng tao, para makapagsulat ka, makapag-compile ka meron at meron kang emotional attachment at ‘yun ang nagiging bias mo,” dagdag pa niya. 

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/05/historian-xiao-chua-kay-darryl-yap-i-will-give-my-middle-finger-to-you/

Tags: Darryl YapXiao Chua
Previous Post

Batang namumuhay mag-isa, pinag-aral ng hepe, ini-enrol ng mga pulis sa paaralan

Next Post

Sharon, labis ang pamimighati sa pagkamatay ni Cherie; ‘I will love you with all my heart, forever!’

Next Post
Sharon, labis ang pamimighati sa pagkamatay ni Cherie; ‘I will love you with all my heart, forever!’

Sharon, labis ang pamimighati sa pagkamatay ni Cherie; 'I will love you with all my heart, forever!'

Broom Broom Balita

  • Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan
  • Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22
  • Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night
  • Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’
  • DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

August 18, 2022
143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

August 18, 2022
Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

August 18, 2022
Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

August 18, 2022
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.