• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Batang namumuhay mag-isa, pinag-aral ng hepe, ini-enrol ng mga pulis sa paaralan

Richard de Leon by Richard de Leon
August 6, 2022
in Features
0
Batang namumuhay mag-isa, pinag-aral ng hepe, ini-enrol ng mga pulis sa paaralan

PSSg. Rogelio M. Canton, Jr., PSSg. Archie M. Tumilap, at ang batang ini-enrol (Larawan mula kay Cyrell Jones Sidlao o "Teacher CJ")

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naantig ang damdamin ng gurong si Cyrell Jones Sidlao o “Teacher CJ”, SPED teacher mula sa Buyos Elementary School sa Sindangan, Zamboanga Del Norte, nang magtungo ang dalawang pulis sa kanilang paaralan upang i-enrol ang isang batang lalaki.

Nagtaka umano ang guro kung bakit mga pulis ng Sindangan ang sumama sa bata, ayon sa kaniyang Facebook post ngayong Huwebes, Agosto 4.

“I need to share this!!” anang guro.

“Nagpunta sa school namin ang PNP Sindangan to enrol this learner. I asked them kung bakit sila ang nag-enrol sa bata. I just found out na wala na palang parents na masasandalan, walang mapuntahan & napariwara.”

So PNP Sindangan decided na sila ang magkupkop sa bata. Magsilbing magulang para paaralin, alagaan at ituwid ang kaniyang buhay ❤️. Nakakataba ng Puso! Saludo ako sa inyo Sindangan Municipal Police Personnel headed by Sir Mario Manipon.”

“Thank you for choosing Buyos Elementary School. Rest assured that I will teach him moral values & proper education. Mabuhay kayo!” pahayag pa ni Teacher CJ.

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Teacher CJ, ang nagdesisyon daw na kupkupin at pag-aralin ang naturang bata ay ang hepeng si PLTCOL Mario Manipon, at pinakisuyuan niya ang dalawang pulis na sina PSSg. Rogelio M. Canton, Jr. at PSSg. Archie M. Tumilap na i-enrol na ang bata sa paaralan.

“Kuwento po nila, yumao na raw po ang ama ng bata, at ang ina naman ay may iba nang pamilya. May mga kaanak naman ang bata pero mas pinili raw umano nitong gumala-gala at mamuhay mag-isa,” salaysay ni Teacher CJ.

No description available.
Larawan mula kay Teacher CJ
No description available.
Larawan mula kay Teacher CJ

Minarapat na raw ng hepe na mas mainam kung ipapasok sa paaralan ang bata upang makapagtamo ng pormal na edukasyon.

Kudos sa PNP Sindangan, lalo na sa kanilang hepe! Tunay na inspirasyon ito para sa lahat!

Tags: PLTCOL Mario ManiponPNP SindanganPSSg. Archie M. TumilapPSSg. Rogelio M. CantonTeacher CJ
Previous Post

Sparkle artist na dinaot-daot ang lasa ng pagkain sa GMA Gala Night, nag-sorry

Next Post

Darryl Yap, sinagot si Xiao Chua: ‘Di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko’

Next Post
Historian Xiao Chua kay Darryl Yap: ‘I will give my middle finger to you’

Darryl Yap, sinagot si Xiao Chua: 'Di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko'

Broom Broom Balita

  • Pizza resto, tumugon na sa reklamo ni Julius Babao; pizza, nilutong may plastic pa
  • Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’
  • Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril
  • Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji
  • Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games
Pizza resto, tumugon na sa reklamo ni Julius Babao; pizza, nilutong may plastic pa

Julius Babao, inireklamo ang isang branch ng pizza resto chain

August 8, 2022
Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

Reklamo ni Julius Babao sa isang pizza restaurant: ‘Yung pizza na inorder namin may plastic!’

August 8, 2022
Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

Pauline Amelinckx, umasang masusungkit ang Miss Universe Philippines title noong Abril

August 8, 2022
Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

Maggie Wilson, kinaladkad ang umano’y ‘kabit’ ng noo’y asawang si Victor Consunji

August 8, 2022
Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

Pilipinas, nagtapos bilang 5th placer sa ASEAN Para Games

August 8, 2022
Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics

August 7, 2022
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

Covid-19 positivity rate sa Cagayan, sumipa; pagbabakuna, muling ikinampanya

August 7, 2022
Isang magsasaka, patay matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Quezon

Kalahating kilo ng marijuana, nakumpiska sa 2 suspek, 1 menor de edad, sa Rizal

August 7, 2022
Comelec, umaasang mas maraming reklamo sa paglabag ng eleksyon ang maisasampa

Comelec, umaasang madedesisyunan ngayong buwan ang panukalang ipagpaliban ang BSKE 2022

August 7, 2022
Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

Tom Rodriguez, nagbabalik sa Instagram; fans, nagpasalamat sa Kapuso actor

August 7, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.