• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3-anyos na batang babae, pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Nueva Vizcaya

Liezle Basa by Liezle Basa
August 6, 2022
in Balita, Probinsya
0
3-anyos na batang babae, pinaghahanap matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa Nueva Vizcaya

Larawan mula PNP

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NUEVA VIZCAYA — Naka-standby 24/7 ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Philippine National Police(PNP) at Bureau of Fire protection (BFP) sa Kasibu para sa search and rescue operation ng isang tatlong taong-gulang na batang babae na tinangay ng malakas na agos ng ilog sa Nueva Vizcaya nitong Sabado.

Ayon kay Rustom Calacal, team leader ng MDRRMO Kasibu, sila ay kasalukuyang nakabantay malapit sa overflow bridge sa Barangay Allo habang nagbabantay din ang Kasibu police at mga kaanak ng biktima malapit sa isa pang kalapit na ilog.

Nauna rito, napaulat na sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang ina at tiyuhin at tinangka nilang tumawid sa isang overflow bridge bandang 9:30 ng umaga.

Gayunpaman, dahil sa malakas na agos ng ilog, natangay sila kasama ang motorsiklo.

Nagawa ng kanyang tiyuhin at ina na lumipat sa gilid ng ilog habang pinaghahanap pa ang biktima.

“Medyo mahaba ang ilog, aabot pa ito ng ilang kilometro, papunta sa Katarawan River at lulusot din ito hanggang sa Quirino province pag nagkataon,” saad ni PSSg Jeffrey A Binwag, investigator-on-case.

Pinayuhan ng pulisya at mga tauhan ng MDRRMOang ina ng biktima na manatili sa bahay at magpahinga.

“Medyo nag collapse ang mother ng bata at hindi na nakayanan ang pag aabang sa ilog,” said MDRRMO staff .

Narekober na ng mga awtoridad ang motorsiklo dakong alas-2:30 ng hapon, sa loob lamang ng 10-15 metro mula sa overflow bridge.

Tags: nueva vizcaya
Previous Post

Isang Nigerian, pinaghahanap matapos nakawan ang kapwa Nigerian med student sa Dagupan

Next Post

SRP sa asukal, itatakda ng DA

Next Post
SRP sa asukal, itatakda ng DA

SRP sa asukal, itatakda ng DA

Broom Broom Balita

  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.