• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Benjamin Magalong, muling nagsampa ng kaso laban sa BCDEO

Rizaldy Comanda by Rizaldy Comanda
August 5, 2022
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
Mayor Benjamin Magalong, muling nagsampa ng kaso laban sa BCDEO

Mayor Benjamin Magalong (AP Photo / Bullit Marquez / File Photo / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY — Muling nagsampa ng kasong anti-graft and corrupt practices si Mayor Benjamin Magalong laban sa mga opisyal ng Baguio City District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (BCDEO-DPWH) dahil sa umano’y iregularidad sa pagtatayo ng isang gusali sa isa sa mga sekondaryang paaralan sa lungsod.

Isinampa ni Magalong ang kanyang 18-pahinang reklamo sa City Prosecutors Office nitong Biyernes ng hapon, Agosto 5, na nanotaryo sa harap ni City Prosecutor Conrado Catral Jr. bilang paghahanda sa pagsasampa sa Office of the Ombudsman.

Ang sinampahan ng kaso ay sina Engr. Rene Zarate, Engr. Glenn Reyes, Engr. Cesario Rillera, Engr.Alfredo Bannagao, Jr., Engr.Tedler Depaynos, Jr., Accountant III Madonna Catipon at Private contractor Romeo Aquino.

Aniya, ang reklamo laban sa mga opisyal at empleyado ng BCDEO at isang pribadong contractor ay lumabag sa Section 3 ng talata E, F, at G ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang iba pang mga alegasyon ay mabigat na maling pag-uugali, matinding pang-aabuso sa awtoridad, labis na pagpapabaya sa tungkulin, pag-uugaling hindi nararapat sa isang pampublikong opisyal at pag-uugaling nakapipinsala sa pinakamabuting interes ng serbisyo kaugnay ng mga iregularidad sa pagtatayo ng gusali ng paaralan.

Batay aniya ito sa mga ulat ng inspectorate team ng City Buildings and Architectures Office na may petsang Mayo 8, 2018 na nagfa-flag ng mga alalahanin sa mga aspeto ng arkitektura, istruktura, elektrikal at sanitary ng gusali.

Noong nakaraang buwan, isinampa ni Magalong ang kanyang unang kaso sa Ombudsman laban sa BCDEO na nag-aakusa ng graft and corruption para sa “substandard and defective,” development ng isang sidewalk sa kahabaan ng Bonifacio Street.

Nais umano ni Magalong na ang mga aksyong ito ay isang litmus case sa isang tanggapan ng gobyerno na nagsampa ng naturang reklamo laban sa isa pang tanggapan ng gobyerno upang ipakita na seryoso ang local government unit sa pagtigil sa katiwalian.

Tags: BCDEO-DPWHMayor Benjamin Magalong
Previous Post

Historian Xiao Chua kay Darryl Yap: ‘I will give my middle finger to you’

Next Post

Kim Atienza, nabiktima ng satire page? ‘This is a scam’

Next Post
Kim Atienza, nabiktima ng satire page? ‘This is a scam’

Kim Atienza, nabiktima ng satire page? 'This is a scam'

Broom Broom Balita

  • 150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang
  • Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia
  • Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan
  • Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22
  • Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Donnalyn Bartolome, hindi na raw natuto sey ng netizens

Donnalyn sa mga bumatikos sa kanya: ‘Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako’

August 18, 2022
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

August 18, 2022
143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

August 18, 2022
Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.