• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Romnick, may pasaring sa sining kuno pero binabago ang katotohanan, binabaluktot ang kasaysayan

Richard de Leon by Richard de Leon
August 4, 2022
in Showbiz atbp.
0
Romnick, may pasaring sa sining kuno pero binabago ang katotohanan, binabaluktot ang kasaysayan

Romnick Sarmenta (Larawan mula sa Twitter)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila may pinariringgan ang ang batikang aktor na si Romnick Sarmenta sa isang “sining daw pero binabago naman ang katotohanan” ayon sa kaniyang tweet noong Agosto 2, 2022.

Aniya, hindi na sana siya magkokomento tungkol dito dahil sayang lamang ang oras, letra, at mga salita niya laban sa mga taong ginawa umanong excuse ang sining para magbali ng katotohanan, at pagkaperahan pa ito.

“Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining,” aniya.

“Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.”

“E di magalit kayo. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

Magco comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining.
Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo.

E di magalit kayo.
Nagsasabi lang ako ng tutoo.

— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) August 2, 2022

Sumagot naman dito ang sikat na historyador na si Xiao Chua.

“Sobra-sobra nang taas ng respeto ko kay Romnick Sarmenta. Naku ngayon abot na hanggang bubong!”

Sobra sobra nang taas ng respeto ko kay Romnick Sarmenta. Naku ngayon abot na hanggang bubong!

— Xiao Chua (@Xiao_Chua) August 3, 2022

Bagama’t walang binanggit kung sino o anong grupo ang pinariringgan, ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy niya ay ang “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap.

Sa katunayan, nagpakawala ng sunod-sunod na tweet ang aktor na may kalakip na litrato ng kaniyang sulat-kamay na mensahe, saloobin, at tula tungkol sa kasinungalingan, katotohanan, at pagbaluktot sa kasaysayan.

“Gumising ka bago malimot ang kasaysayan, tumindig kahit mag-isa, sa gitna ng mga kasinungalingan.”

“Kasaysayang pilit mang baluktutin, sa mga palabas, at salitang sadyang baguhin,/Gumising ka, bago ka bangungutin!” ilan lamang sa mga taludtod ng kaniyang tulang nasusulat-kamay sa isang papel.

pic.twitter.com/uX7syXUYPx

— Romnick Sarmenta (@Relampago1972) August 4, 2022

Kapansin-pansing pulang tinta ang ginamit niyang panulat.

Si Romnick ay isa lamang sa mga celebrity na certified Kakampink at nagpahayag ng pagsuporta sa Leni-Kiko tandem noong halalan.

Tags: Romnick SarmentaXiao Chua
Previous Post

4 na high value target, timbog sa umano’y drug den sa Baguio

Next Post

‘In The Grotto of the Pink Sisters’ author Anne Nelson, pinabulaanan ang pahayag ng VinCentiments

Next Post
‘In The Grotto of the Pink Sisters’ author Anne Nelson, pinabulaanan ang pahayag ng VinCentiments

'In The Grotto of the Pink Sisters' author Anne Nelson, pinabulaanan ang pahayag ng VinCentiments

Broom Broom Balita

  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
  • Robert Bolick, balik-NorthPort na!
  • ‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
  • Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.